Questions


September 2022 1 0 Report
Pa help po true answer po
report kung nonsense.
A. Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng PK kung ito ay nagpapakita ng pagkakaroon ng komunikasyon at KK kung nagpapakita ng kawalan ng komunikasyon. Isulat ang sagot sa patlang.
_____1. Umiiyak ang nakababata mong kapatid dahil nagugutom na ito, tinatawag niya ang inyong Nanay subalit abala rin ito dahil naglalaba. Ikaw naman ay abala sa paglalaro ng mobile legend kaya hindi mo rin pinapansin ang umiiyak mong kapatid.
_____2. Ang inyong tatay ay nasa ibang bansa nagtatrabaho, sa tuwing natatapos na ang kaniyang trabaho ay tumatawag agad siya sa inyo sa pamamagitan ng video calling at kinukumusta niya agad kayo at ganun din naman kayo sa kanya. Kahit nasa malayo siya ay ramdam niyo pa rin na parang kasama niyo ito dahil ara-araw ay mayroon kayong komunikasyon.
_____3. Si Maria ay maagang nakipagboyfriend kahit na mahigpit na bilin ng mga magulang niya na huwag munang makipagrelasyon. Isang araw ay nalaman nila ito dahil may nakapagsabi sa kanila subalit itinanggi pa rin niya ito at nagsinungaling pa sa kanyang mga magulang.
_____4. Nawawala ang pera ng inyong nanay na gagamitin sana nito pambayad ng kuryente. Tinanong niya kayo isa-isa ngunit itinanggi niyo pa rin ito. Lingid sa kaalaman ng nanay mo na ikaw ang kumuha nito dahil ginamit mong pambili ng bagong damit na gusto mo. Napalo ang iba mong kapatid pero hindi ka pa rin umamin sa nanay mo.
_____5. Sa tuwing kayo ay kakain sa hapag-kainan ay masaya kayong nagkukwentuhan ng mga magulang mo. Sinasabi mo sa kanila ang mga ninanais mo at pinakikinggan mo rin kung ano ang sinasabi nila saiyo kaya naging maganda maging ang relasyon ng iyong pamilya sa isa’t-isa.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.