Ang paunang lunas o first aid ay ang pagbibigay ng pangunahing magagawang tulong, kalinga, at pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman. Isinasagawa ito ng isang taong pangkaraniwan hanggang sa panahong maaari nang ibigay ang mas dalubhasang tulong pansagip buhay ng mga manggagamot. Kinasasangkapan ang kasanayang ito ng mga payak, ngunit nakapagliligtas, na kasanayang may kaugnayan sa panggagamot. Maaaring makatamo ng pagsasanay ang isang pangkaraniwang tao upang maisagawa ang pagbibigay ng tulong na ito, kahit man hindi ginagamitan ng mga natatanging aparatong panggagamot. Maaari ring ibigay ang tulong na ito sa mga hayop, ngunit ang artikulong ito ay tumutukoy lamang para sa magagawang paunang-tulong na pantao.
Explanation:
May mga kasanayan na itinuturing na pinakapusod ng pagbibigay ng paunang tulong-lunas, kahit saan pa man o paano man naituro ang mga ito. Tinuturuan ang mga tagapagbigay ng pangunahing tulong panlunas na laging tatandaan ang ABC ng mga hakbang sa pagbibigay ng mga paunang tulong-pansagip ng buhay bago magpatuloy sa pagbibigay ng iba pang mga kalunasan:
Airway – Ang daanan ng hangin / Ang daanang panghininga / Ang daanang-hingahan
Breathing – Buga ng paghinga / Bantayan ang katangian ng paghinga
Circulation – Sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa katawan
Ang ibig sabihin nito ay dapat lamang na unahin munang suriin at subuking lutasin ang mga suliraning may kaugnayan sa daanan ng hangin (bibig at ilong) ng pasyente. Kung walang balakid sa daanan ng hininga at paghinga, dapat na isunod na suriin at subuking sugpuin ng tagapaglunas ang anumang suliranin at pinsala na may kaugnayan sa sirkulasyon (pagdaloy at pagikot ng dugo sa katawan). May ibang mga tagapagsanay o tagapagturo na nagdaragdag ng pang-apat na hakbang: ang D para sa Duguan ba ang pasyente? o Dinudugo ba ang biktima?, o kaya ay ang pagbibigay ng Depibrilasyon. Nakasalalay sa antas ng kasanayan ng tagapagbigay-lunas ang mga pagkakaiba sa mga pamamaraan ng pasisipat at pagsusuri at pagpapanatili ng mga mahahalagang ABC ng taong manlulunas. Kapag naiayos at napainam na ang mga ito, maaari nang magbigay ng mas masulong na mga gawaing-panlutas ang mga taong tagapanagip, kung kinakailangan.
May ilang mga bansa na nagtuturo ng talong B (ang 3 B), na katulad ng ABC ang pagkakasunud-sunod ng kahalagahan:
Breathing – Buga ng paghinga / Bantay-hininga
Bleeding – Balong ng dugo
Bones – Butu-buto o Buto o Baling buto
Nangangahulugan ito na dapat na suriin muna at lutasin ng manlulunas ang anumang suliranin kaugnay sa Buga ng Paghinga, bago subuking sugpuin ang mga suliraning kaugnay sa Balong ng dugo mula sa katawan ng pasyente o mga Baling Buto (na hindi naman ibig sabihin nito na dapat nang kaligtaan ang mga huling mga suliranin sa mga panahong iyon – katulad ng mga pinsala sa gulugod, kung saan magagamit ang pagbabago at kaibahan sa pamamaraang panlunas upang makatulong sa pagbubukas ng daanan ng hininga).
Answers & Comments
Verified answer
Answer:

i report nyo po ako kung mali