PA HELP PO PLS
Panuto: Suriin kung sino ang nagsabi ng pahayag sa pangungusap. Isulat ang KH kung Kapitan Heneral, at MK kung Mataas na Kawani.
1. May nakapagsabi sa akin na ang binatang ito ay isang mag-aaral ng medisina at pinupuring mabuti ng kanyang guro. Kung mananatili siya sa bilangguan, masasayang naman ang isang taon.
2. Ganyan ang paraan ng pamamahala, mahal kong kaibigan. Madalas ipinagpapakasakit ang kabutihan ng isa para sa kabutihan ng nakararami
3. Nasusuklam tayo kapag ang kapangyarihan ay nangingibabaw sa katwiran, ngunit sa katotohanan, pinupuri natin ang paggamit ng kapangyarihang nagbabalatkayong baluktutin ang katuwiran upang magtagumpay.
4. Namamatay na ang kaunting apoy na nag-aalab sa aking dugo. Ngunit mamatamisin kong magkagutay-gutay ang aking katawan, maipagtanggol ko lamang ang karangalan ng Espanya laban sa mga dayuhang mananakop o laban sa walang katarungang paggalaw ng kanyang mga lalawigan.
5. Kung balang araw ay nakapagsarili na kayo alalahanin ninyo na sa Espanya ay may mga pusong tumibok nang dahil sa inyo at nagtanggol sa inyong karapatan!