Ang Pilipinas, kung iyong pagmamasdan, ay sagana sa likas na yaman at magagandang tanawin. Maraming lugar sa Pilipinas ang dinadayo pa ng mga turistang banyaga upang tingnan ang ganda ng ating kalikasan. Ngunt, sa kamaangpalad, may mga lugar na unti-unti nang nasisira dulot ng matindinging polusyon.
Ang polusyon ay may iba’t ibang uri: polusyon sa hangin, sa tubig, sa lupa at kahit ang ingay sa paligid ay nagiging polusyon na rin. Isang rehabilitasyon ang kasalukuyang isinasagawa sa Boracay, isa sa tinaguriang magandang isla sa buong mundo. Dahil na rin sa pang-aabuso ng mga tao sa paligid, hinayaang dumihan ang dagat at kapaligiran nito.
Sa Maynila, bilang sentro ng kalakalan, makikita ang iba’t ibang klase polusyon. Ang hangin na dulot ng mga sasakyan, pagawaan o pabrika; mga ilog na ginawang tambakan ng mga iba’t ibang basura; ang mga ingay mula sa iba’t ibang establisyemento, tao, sasakyan; mga basurang nagkalat sa lansangan at kadalasan ay mga basurang hindi nabubulok na nagdudulot ng pagbaha. Malaki ang epekto ng polusyon, hindi lang sa ating lugar, kundi pati na rin sa kalusugan ng mga tao.
Hindi pa huli ang lahat, maaaring maiwasan ang malalang polusyon kung magsisimula ito sa atin. Magsimula tayo sa mga simpleng bagay, tulad ng paghiwa-hiwalay ng mga nabubulok sa hindi nabubulok na basura. Ang lokal na pamahalaan at gobyerno ay may mga isinasagawang mga hakbang upang mabawasan ang polusyon sa Pilipinas. Sana lahat ng mamayan ay makipagtulungan para sa ikabubuti ng lahat.
Answers & Comments
Answer and Explanation:

Sana po ay makatulong
Pa brainlies po
#carry on learning
#additionalknoledge