Questions


September 2022 1 1 Report
Pa help po nito

Piliin o tukuyin ang mga pangunahin at pantulong nakasaad sa binasang akda sa pamamagitan ng pagbuo ng balangkas nita na makikita sa ibaba. Ang pangunahing kaisipang taglay ng tula ay ibinigay na. Ngayon ay itala mo ang mga pantulong na kaisipang nagpapatunay na ang buhay ng tao ay kagaya ng punò, may panahon ng pagyabong at panahon ng pagkatuyo.

Kung tatanawin mo sa malayong pook, Ako'y tila isang nakadipang kurus; Sa napakatagal na pagkakaluhod, Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

Organo sa loob ng isang simbahan Ay nananalangin sa kapighatian Habang ang kandila ng sariling buhay Magdamag na tanod sa aking libingan.

Sa aking paanan ay may isang batis, . Maghapo't magdamag na nagtutumangis; Sa mga sanga ko ay nangakasabit, Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, Asa mo ri'y agos ng luhang nunukal; At saka ang buwang tila nagdarasal, Ako'y binabati ng ngiting malamlam.

Ang mga kampana sa tuwing orasyon, Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy; Ibon sa sanga ko'y may tabing nang dahon, Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating, Natuyo, namatay sa sariling aliw; Naging kurus ng pagsuyong laing, At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Wala na, ang gabi ay lambong ng luksa, Panakip sa aking namumutlang mukha! Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga, Ni ibon, ni tao'y hindi na matuwa.

At iyong isipin nang nagdaang araw, Isang kahoy akong malago't malabay. Ngayon, ang sanga ko'y kurus na libingan Dahon ko'y ginawang korona sa hukay!​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.