Questions


August 2022 2 1 Report
Pa help pls need ko na po ito
B. Basahin ang sumusunod na talata. Tukuyin ang angkop na
pamagat ng bawat isa. Isulat sa sagutang papel ang letra ng
tamang sagot.

1. Ang mga Pilipino ay likas na malikhain, nakagagawa sila ng
mga magaganda at kapaki-pakinabang na gamit mula sa
patapon ng mga bagay. Ang mga imbensyong Pilipino ay
nanguna. Maging ang paglikha ng mga tugtugin at awitin. Ang
Pilipino ay may tatak na rin.
a. Ang mga Pilipino
b. Likas na Malikhain
c. Iba’t-ibang Hanapbuhay
d. Gamit, Imbensyon at Awitin

2. Sa mga punongkahoy, ang niyog ang may pinakamaraming
pakinabang. Lahat ng bahagi nito ay may gamit. Malaking pera
ang kinikita mula sa kopra, ang pinatuyong laman ng bunga ng
niyog. Ang mga bao naman ay ginagawang butones at alkansya.
Samantala, may mga sombrero, banig at mga palaspas na sa
mga dahon nito nagmumula. Ang pinaglagaan naman ng ugat ay
panlunas sa ilang karamdaman.
a. Ang Puno ng Buhay
b. Kay Gandang Niyog
c. Ang Alamat ng Niyog

3. Si Ben ay sampung taong gulang. Sa kanyang murang edad,
malaki ang naitutulong niya sa kanyang pamilya. Siya ang
tagabili ng pandesal na kanilang almusal. Nagpapatuka siya ng
mga manok na kanyang alaga. Hindi niya nakakalimutang
punuin ang mga dram ng tubig na gamit ng buong mag-anak sa
buong araw.
a. May Isang Bata c. Gawain sa Pamilya
b. Ang Batang si Ben
c. Gawain sa Pamilya
d. Si Ben ang Masayahing Bata

4. Ang Pangkat Kawayan ay isang grupo ng mga mag-aaral na
may walo hanggang labing-anim na taon. Sila ay tumutugtog ng
mga katutubong instrumento tulad ng kawayan. Naging laman
ng mga pahayagan ang katanyagan ng pangkat. Sila ang
tumutugtog tuwing may dumarating na panauhin mula sa ibang
bansa. Narating na ng pangkat ang Japan, Hawaii at ilang lugar
sa Estados Unidos. Sadyang nagdala ng papuri sa bansa ang
Pangkat Kawayan.
a. Ang Pilipino-Tanyag Na!
b. Ang Pangkat Kabataan
c. Ang Katutubong Instrumento
d. Ang Pangkat Kawayan

5. Ang basura ay maaaring gawing abono, sa ganitong paraan,
hindi lamang malulutas ang suliranin sa basura kundi
mababawasan pa ang pag angkat ng mga abono sa ibang bansa.
Tinatayang sa isang libong tonelada ng basura, mahigit sa
sampung libong sako ng abono ang maaaring gawin kung ang
lahat ng ating basura ay magagawang abono, lalaki ang ani sa
mga taniman at magiging mura ang halaga ng palay at iba pang
pananim.
a. May Abono sa Basura
b. Ang Suliranin sa Bansa
c. Pag-Angkat ng Abono Itigil
d. Ang Halaman at Abono

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.