Likas sa ating mga lahi ni Juan ang gumalang sa mga nakatatanda sa pamamagitan ng pagmano, o pagsagot ng “po” at “opo”. Ito rin ang isa sa mga kalakasan natin na hinahangaan ng mga banyaga at nagging kahalintulad at kaiisa tayo nito ng iba pang bansa sa Silangang Asya. Subalit kung bakit nga ba ang paggalang na ito ay dahan dahan ng nawawala at napapalitan ng kawalan ng paggalang? Dahil ba sa mga ginagawa ng mga mas nakakatatanda sa atin na sa paningin natin ay mali kaya hindi na natin sila iginagalang? O dahil sa pananaw nating mga kabataan ay mayroon tayong kalayaan para gawin ang gusto natin?
Ang pagrespeto sa mga nakatatanda sa atin ay isang kalakasan na hindi natin dapat tanggalin, anupaman ang kanilang Gawain, lalo na sa ating mga magulang. Marami sa mga kabataan ngayon ang tila wala ng pakialam sa kanilang mga magulang, ikinahihiya sila at kadalasan ay halos hindi na pinakikinggan. Ako noong bata pa ako ay galit nag alit ako sa lola ko kasi malimit niya akong ipahiya, pagalitan at murahin. Lagi niya akong pinipilit na mag-aaral at kabag mababa ang aking marka sa paaralan ay kanya akong kinakastigo. Galit nag alit ako noon sa kanya at kawalang paggalang ang aking iginanti. Subalit sa paglipas ng panahon ay nalaman ko na ang mga ginawa niyang iyon ang nakapagbigay ng katatagan sa akin bilang isang tao. Kung siguro wala ang mga iyon ay madali na akong sumuko sa mga problema ng buhay lalo na’t ako ay ulilang lubos. Pinagtibay ng kanyang mga pangaral ang aking pagkatao at pinatatag ang aking mga prinsipyo.
-Pagiging Matapat
Ang Matapat na Reyna
Si Reyna Sima ay isa sa mga reyna na namuno ng isang kaharian sa ating kapuluan. Nakilala siya dahil sa katalinuhan, katapatan at sa mahigpit at maayos na pamamalakad sa panunungkulan.
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan ay pinagdarayo na ng mga mangangalakal na Arabe, Intsik at Hindu ang kaharian ng Kutang-Bato na pinamumunuan ni Reyna Sima. Ang Kutang-Bato ay siya ngayong Cotabato, isa sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao.
Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay nang tahimik at sagana ang mga taga Kutang-Bato. Mahigpit niyang ipinasunod ang mga batas at ang sinumang lumalabag sa ipinag-uutos ng Reyna ay pinarurusahan.
Minsan, isang negosyanteng Intsik na nakipagkalakalan sa kaharian ni Reyna Sima ang nakaiwan ng supot ng ginto sa isang mesa sa palasyo. Hindi ipinakibo ni Reyna Sima ang supot ng ginto sa mesa. Ipinagbiling mahigpit ng Reyna Sima sa kanyang mga nasasakupan na walang gagalaw ng naturang supot ng ginto. Ganito kahigpit ang utos ni Reyna Sima sa kanyang nasasakupan upang sa ganito ay muling datnan ng may-ari sa lugar na kanyang pinag-iwanan ang supot ng ginto.
Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa kahigpitan nito sa pagpapatupad ng kautusan tungkol sa katapatan.
-Pagiging Mapagkumbaba
Si Araw at Hangin
HomeMaikling KwentoAng Araw at ang Hangin
Ang Araw at ang Hangin
Sino kaya ang mas malakas, ang araw o ang hangin? Madalas daw ay nag-aaway itong dalawang ito noong araw dahil sa nagpapalakasan nga.
Isang araw, sinabi ng hangin, “O, gusto mo ba talagang patunayan ko na mas malakas ako kaysa iyo?”
Ngumiti ang araw. “Sige, para hindi ka laging nagyayabang, tingnan natin. Hayun, may lalakeng dumarating. Kung sino sa ating dalawa ang makakapagpaalis ng suot niyang polo, siya ang kikilalaning mas malakas.”
“Payag ako. Ngayon din”, magkakasubukan tayo, “malakas na sagot ng hangin. “Ako ang uuna,” dugtong pa niya dahil ayaw niyang maging pangalawa sa anumang labanan.
Sinimulan niyang hipan ang naglalakad na lalake. Sa umpisa ay tila nagustuhan ng tao ang hihip ng hangin kaya naging masigla at bumilis ang lakad nito.
Nilakasan ng hangin ang paghihip. Isinara ng tao ang lahat ng butones hanggang sa may leeg ng kanyang polo. Inubos ng hangin ang buong lakas sa paghihip. Lalo namang pinakaipit-ipit ng mga braso ng lalake ang damit dahil tila giniginaw na siya.
Nanghina na nang katakut-takot ang hangin sa paghihip niya ay talagang hindi niya makuhang mapaalis ang damit ng lalake. “Sige,” sigaw niya sa araw. “Tingnan naman natin ang galing mo. Marahil, hindi mo rin naman mapapahubad ang taong iyon.”
Pinalitaw ng araw ang sinag niya, at unti-unti niyang pinainit ito. Tumulo ang pawis ng lalake. Dinagdagan pa ng araw ang init na inilalabas niya, at ang lalake ay nagkalas ng mga ilang butones sa baro.
Maya-maya, nang uminit pang lalo ang araw, hindi na nakatiis ang tao at tinanggal nang lahat ang mga butones ng polo at hinubad ito. Panalo ang araw! Mula noon, di na nagyabang uli ang hangin.
Explanation:
#AsamiSquadLeader
_Mikay_
pabrainliest po.
2 votes Thanks 1
cnapitan08
sorry mahaba kasi tatlong kwento po yan eh
Answers & Comments
Answer:
-Paggalang sa magulang
Ugali Ni Juan.