Questions


April 2023 1 2 Report
Pa explain po para sa report
tagalog po

Bagama't maraming nagbago sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa pagtatapos ng kalakalang galyon. nakabuti pa ito para sa kapuluan. Pangunahing epekto nito ang pagtutok sa agrikultura bilang komersyo at ang pagbabago ng patakarang pang-ekonomiya na pabor sa pandaigdigang kalakalan.

Bago pa matapos ang kalakalang galyon, inihanda na ng Philippine Royal Company at monopolyo ng tabako ang pagpapaunlad sa agrikultura at pandaigdigang kalakalan. Ang tabako ang isa sa mga pinakaunang lokal na produkto na iniluwas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan. Ang Philippine Royal Company naman ang nagbigay-daan sa pagluluwas ng iba pang mga produkto ng kapuluan tulad ng asukal, indigo at bigas.

Sa pagtatapos ng kalakalang galyon, tinutukan at pinaunlad ng pamahalaang España ang kennch agrikultura ng Pilipinas. Inayos at binuhay nila ang sakahan sa mga lalawigan. Pinayagan nila ang pagpasok ng kasangkapan at makinaryang pangsaka; sinuportahan ang panghahabi at pangkukulay ng tele; at hinikayat ang pagtatanim ng kape, cacao, kanela (cinnamon) at iba pa. Dinala nila ang ilang produkto sa pandaigdigang kalakalan, tulad ng pagbukas ng daungan ng Iloilo para sa mas mabilis na kalakalan ng asukal. Ito ang naging pangunahing pangluwas na kalakal ng kapuluan

Di naglaon, binuksan ng España ang Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan noong Setyembre he 1834, Pangunahing kasosyo ng kolonya ang Inglatera, kasunod ang Estados Unidos, España, Tsina at British East Indies (Malaysia). Naging masigla at abala ang mga daungan ng Maynila at iba pang mga lalawigan. Ang buwis na nakukuha rito ay naging mahalagang pinagkukunan ng kita ng pamahalaan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.