Pa example po para sa report ty
Bagama't maraming nagbago sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa pagtatapos ng kalakalang galyon. nakabuti pa ito para sa kapuluan. Pangunahing epekto nito ang pagtutok sa agrikultura bilang komersyo at ang pagbabago ng patakarang pang- ekonomiya na pabor sa pandaigdigang kalakalan.
Bago pa matapos ang kalakalang galyon, inihanda na ng Philippine Royal Company at monopolyo ng tabako ang pagpapaunlad sa agrikultura at pandaigdigang kalakalan. Ang tabako ang isa sa mga pinakaunang lokal na produkto na iniluwas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan. Ang Philippine Royal Company naman ang nagbigay-daan sa pagluluwas ng iba pang mga produkto ng kapuluan tulad ng asukal, indigo at bigas.
Sa pagtatapos ng kalakalang galyon, tinutukan at pinaunlad ng pamahalaang España ang kennch agrikultura ng Pilipinas. Inayos at binuhay nila ang sakahan sa mga lalawigan. Pinayagan nila ang pagpasok ng kasangkapan at makinaryang pangsaka; sinuportahan ang panghahabi at pangkukulay ng tela; at hinikayat ang pagtatanim ng kape, cacao, kanela (cinnamon) at iba pa. Dinala nila ang ilang produkto sa pandaigdigang kalakalan, tulad ng pagbukas ng daungan ng Iloilo para sa mas mabilis na kalakalan ng asukal. Ito ang naging pangunahing pangluwas na kalakal ng kapuluan
Di naglaon, binuksan ng España ang Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan noong Setyembre he 1834, Pangunahing kasosyo ng kolonya ang Inglatera, kasunod ang Estados Unidos, España, Tsina at British East Indies (Malaysia). Naging masigla at abala ang mga daungan ng Maynila at iba pang mga lalawigan. Ang buwis na nakukuha rito ay naging mahalagang pinagkukunan ng kita ng pamahalaan.
Answers & Comments
Isang halimbawa ng epekto ng pagtatapos ng kalakalang galyon sa ekonomiya ng Pilipinas ay ang pag-unlad ng industriya ng kape. Noong mga unang taon ng pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas, ang kape ay itinuturing lamang na halamang ornamental at hindi pa gaanong kilala sa mga Europeo. Ngunit sa pagdating ng mga Pranses at Ingles, nabigyan sila ng pagkakataon na matikman ang lasa ng kape. Dahil dito, nagkaroon ng pagtaas ng demand sa kape mula sa Pilipinas sa pandaigdigang merkado.
Sa panahon ng pagtutok sa agrikultura bilang komersyo, hinikayat ng mga Kastila ang pagtatanim ng kape sa mga lalawigan. Naging malawak ang pagtatanim ng kape sa Cordillera dahil dito, at nakapag-angkat din ang mga Kastila ng kape sa kanilang mga kolonya sa Latin America upang ipalit sa mga produkto ng Pilipinas tulad ng asukal at tabako. Sa kasalukuyan, ang kape ay isa sa mga pangunahing produkto ng Pilipinas na nakatutulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.