Questions


October 2022 1 2 Report
pa answer pleasee

Si Maki Nilya at Si Kom Pyuter
Malungkot si Maki Nilya. Siya’y nasa madilim at maruming sulok, sa ibabaw
ng lumang mesa na uuga-uga na. Marami na siyang alikabok. Bihira na siyang
gamitin ni Jon-jon.
Dati-rati’y, tuwang-tuwa siya kapag umuupo na sa kanyang harap si Jon-jon.
Mangyari, nahahawakan ni Jon-jon ang kanyang mga letra at bilang. Nalilinis siya
ng malilinis na daliri ni Jon-jon. Pagkatapos ng mahigit isang oras na
pagmamakinilya ni Jon-jon ay lalo siyang natutuwa dahil sa masayang-masaya ang
kanyang tagapag-alaga.
“Sige na po, Daddy. Ibili na ninyo ako ng kompyuter. Mas madali ako
makapagsasaliksik at mas mabilis akong makapagmamanikilya ng aking mga
assignment,” ang paliwanag ni Jon-jon sa kanyang ama.
“Ano? Ipagpapalit ako ni Jon-jon sa kompyuter? Hindi na ba ako mahal ni
Jon-jon? Paano na niya ako malilinis kung may kompyuter na siya? Ano na ang
mangyayari sa akin?” ang tanong ni Maki Nilya.
Kinabukasan, may bagong kompyuter na si Jon-jon. Malungkot na malungkot
si Maki Nilya. Nainggit siya nang sa ibabaw nang isang bago’t makinis na mesa
ipinatong ni Jon-jon si Kom Pyuter. Sinisimangutan niya si Kom Pyuter kapag
nakikita niyang naktingin ito sa kanya.
“Okey ang kompyuter mo Jon-jon,” sabi ng kanyang Daddy. “Mapapagaan at
mapapabilis ang iyong mga gawain dahil madali kang makapagbubura kung may

Page 2 of 2
mali kang nai-tayp.Hindi pa mabubura o mawawala ang mga impormasyong
minakinilya mo.”
Madalas mag-unahan sa paggamit ng kompyuter si Jon-jon at kanyang mga
kapatid. Nagkaroon tuloy sila ng pagtatampuhan.
Isang araw, ibinalita sa radio na maghapong magba-brown out sa lugar nila
Jon-jon. Ipapasa pa naman niya ang kanyang report sa kanyang guro bukas ng
umaga.
“Ano ang gagawin ko?” ang tanong niya. May naisip si Jon-jon. Nilapitan ni
Jon-jon si Maki Nilya at nilinis ng malambot na puting papel.
“Kailangan din kita,” ang sabi ni Jon-jon kay Maki Nilya. “Ikaw yata ang
unang gamit na iniregalo sa akin ni Daddy noong kaarawan ko. Aalagaan at
gagamitin din kita lagi katulad ng kompyuter,” ang sabi ni jon-jon.
Hindi na malungkot si Maki Nilya. Nginitian na niya si Kom Pyuter.

Mga Tanong:
1. Bakit nalungkot si Maki Nilya?
2. Bakit dati-rati’y tuwang-tuwa siya kapag umuupo na sa kanyang harapan si
Jon-jon?
3. Ano ang pinag-uusapan ni Jon-jon at Daddy niya?
4. Ano ang naisip at nadama ni Maki Nilya nang marinig niya ang pag-uusap ng
mag-ama?
5. Ano ang nagagawa ng kompyuter?
6. Ano ang naging problema ni Maki Nilya?
7. Ano ang ipinangako ni Jon-jon kay Maki Nilya?
8. Sa iyong sariling hinuha, alin kina Maki Nilya o Kom Pyuter ang mahalaga sa
panahon ngayon?
9. Sa iyong palagay, paano makakatulong ang kompyuter sa iyong pag-aaral?
10. Kung magkakaroon ka ng kompyuter, paano mo ito pangangalagaan?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.