pa-answer naman po dito at paayos na din po ng answer nyo
nonsense answer = auto report
pinag hirapan kong ayusin yan so dapat maayos din sagut mo
Ika – 17 ng Disyembre, 2015
354 Brgy. Sta . Clara Norte
Pila, Laguna
Mahal kong Teresa,
Talagang lagging bumabalik sa aking gunita ang mga pangyayari. Kaya nagpasya
akong ibahagi ito sa iyo sa pamamagitan ng aking liham.
Isang umaga noon , habang binabagtas naming ang kahabaan ng daan, isang
batang lalaki ang pumara. Pangkaraniwang sitwasyon kaya komportable naman ang lahat
ng pasahero ng dyip.
Si Lucy ay isa sa mga sakay ng dyip. Di alintana ang anumang maaaring di
inaasahang pangyayari. Pagsakay ng batang lalaki, sa tabi siya ni Lucy napaupo. Gaya rin
ng isang ordinaryong araw at normal na eksena sa dyip, tulog ang karamihan.
Maya-maya pa ay biglang pumara ang batang lalaki. Tumigil ang dyip at
pagkatapos ay umalis na rin.
Ilang saglit pa ang nakalipas, magbabayad na sana si Lucy. Bigla kong napansin
na siya ay pinawisan nang malalaki at namutla nang makitang wala ang kaniyang pitaka
sa bag. May nagsabing ang batang lalaking sumakay ang kumuha ng pitaka. Walang
nagawa si Lucy kundi ang maiyak na lamang dahil sa pangyayari.
Isang pasahero ng dyip ang di nakatiis at nagsabi, “Walang sinuman sa atin ang
nakakita ng pangyayari, wala ni isa man sa atin ang may karapatang husgahan ang
batang lalaking iyon.Manapa’y , itahimik na lamang natin an gating mga bibig.”
Pagdating ni Lucy sa bahay, muli niyang tiningnan ang bag, inisa-isa ang laman
nito. Laking gulat niya, naroon sa bag ang kaniyang pitak.
Agad akong binalitaan ni Lucy kaugnay ng pagkakita niya sa kaniyang pitaka.
Nakramdam ako ng kasiyahan para kay Lucy. Ngunit higit doon, habag ang naramdaman
ko para sa batang lalaking hinusgahan agad ng ilang pasahero ng dyip.
Ang iyong kaibigan,
Jessica
1. Sino ang tunay na may sala sa tekstong iyong binasa?
2. Bakit ang batang lalaki ang kanilang tinukoy na maysala?
3. Tama ba ang kanilang ginawa? Bakit?
4. Ano ang naging pagkakamali ni Lucy ?
5. Kung ikaw ang may-akda, paano mo bibigyan ng katapusan ang teksto?
Answers & Comments
Answer:
1.Si Lucy
2.Dahil katabi ni Lucy
3.Hindi/Dapat ay suriin muna ng mabuti bago husgahan
4.Makakalimutin at Mapanghusga
5.Magiging masaya ang katapusan nito at payapa
Explanation:
Sana po nakatulong ako
Huwag nyo narin po ako ireport kung mali ang aking sagot