OPISYAL NA PAHAYAG NG KKK SA IKA-112 TAONG ARAW NG KALAYAAN
Ibunyag ang Pambababoy ng Reheming Arroyo sa Araw ng Kalayaan!
Ihain sa Papasok na Reheming Aquino ang Problema ng mga Mamamayan!
Bigyang diin ang Pagpapatuloy sa Pakikibaka ng Katipunan!
Tahasang kinukundena ng Katipunan ng mga Kabataang Kadre (KKK) ang pambababoy ng Reheming Arroyo sa diwa ng paggunita ng ika 112 taong Araw ng Kalayaan. Sa gitna ng kahirapan ng mga mamamayan, ang talonang seksyon ng naghaharing uri ay gagasta ng mahigit 10 milyong piso upang ipangalandakan ang umanoy magagandang nagawa nito sa bayan sa loob ng siyam (9) na taong mala-berdugong paghahari. Ang perang gagastahin ay mula sa mga departamento ng pamahalaan – kinaltas upang hanggang sa huling minuto ay subukang sagipin ang lugmok at mabahong imahe ng papatapos na rehimen. Sa gitna ng kanilang pagdiriwang, milyon milyong gastos at magagarbong mga parada, ay hinding hindi nila maikukubli ang tunay nakalagayan ng bansa sa loob ng siyam na taon.
Answers & Comments
Answer: