sa babasahing editoryal alin ang katotohanan at alin ang opinyon lamang?editoryal
araw ng mga ina at ama
ang pamilya ang pundasyon ng lipunan at ang ina at ama ang mga haligi ng pamilya.ang matalinong pagpapatupad ng kanilang awtoridad ang magsisiguro ng pagdebelop ng matapat at makadiyos na mga mamamayan.Ang bansang pinamumuhayan ng matatapat na mamamayan ay nagiging isang matatag at kagalang galang na nasyon.
Simula noong panahon bago ang pananakop,binigyang halaga na ng ating mga ninuno at mga pinuno ang mahalagang papel na ginagampanan ng mgabina at ama sa pagbuo ng ating bansa.Matalino nilang ibinukod ang isang panahon sa isang taon para bigyang pugay at parangalan ang mga ina at ama ng ating bansa.
Ang ating pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal ay binigyang diin ang mahalagang papel ng ating mga magulang lalo na ang ating mga ina sa pagpapalaki ng ating mga kabataan."Ang kaganapan ng pag iisip ay bunga ng kabataan,"sulat niya,"at ang kabataan ay nakasalalay sa pag aaruga ng isang ina.
"Pinahalagahan ni presidente Manuel Luis Quezon ang tradisyon ng pagpupugay sa mga magulang ng pinagtibay niya angPresidential Proclamation na nagdedeklara sa araw ng mga ina na ipinagdiriwang ng bansa tuwing unang lunes ng buwan ng disyembre.Pinagtibay naman ni presidente corazon c. aquino ang presidential proclamation no.266 na nagdedeklara ng ikalawang linggo ng mayo bilang" Araw ng mga ina."at ang ikatatlong linggo ng hunyo bilang"Araw ng mga ama."Noong disyembre 11 1998,Ipinalabas ni Presidente joseph ejersito estrada ang presidentialbproclamation no.58 na nagdedeklara ng unang lunes ng disyembre bilang"Araw ng mga ina"at"araw ng mga ama."
Ngayong"araw ng ina at ama"ang pagpaparangal sa ating mga ina at ama ay isang napakahandang paraan upang ipahayag ang ating pagmamahal at pasasalamat sa lahat ng sakripisyong ibinigay nila sa ating buhay.
Panuto:isulat sa T-chart ang mga sagot: katotohanan/ opinyon
Answers & Comments
Answer:
Ang editoryal ay hindi lamang kinakasangkapan upang hatakin ang mambabasa na pumaling sa isang panig ng pananaw o paniniwala, bagkus upang kumbinsihin—kung hindi man tahasang pilitin—ang sinumang awtoridad o pinatutungkulan na pumanig at gawin kung kinakailangan ang mungkahi ng isang publikasyon.
ito ay isang lathalahin sa pahayagan o magasin na nagsasaad ng puna ng editor at kauri nito.
Ang isa sa pinakamagaling na katuturan ng editoryal ay yaong nagsasabing ang artikulong ito’y isang ambag sa pakikipagtalo sa isang paksang napapanahon.
Explanation:
sana po najatulong