Only for Ginius and Moderator
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap sa ibaba. Sa iyong sagutang papel, isulat kung ano ang iyong mga gagawin sa sitwasyong nabanggit.
1. May sakit ang iyong nanay pero gusto mo sanang manood ng TV. Ano ang gagawin mo?
2. Hinihikayat ka ng mga kaibigan mo na huwag isali sa laro ninyo ang kapitbahay ninyong may kapansanan. Ano ang gagawin mo?
3. Napapansin mo na laging ikaw na lamang ang tinatawag ng iyong teacher para mag-recite. Alam mo na gusto rin ng iba mong kaklase ang mag-recite. Ano ang gagawin mo?
4. Alam mo na sa tuwing nakakakita ka ng may kapansanan ay dapat nagbibigay-daan upang sila ang mauna sa pilahan. Ngunit ang isa mong kaklase ay ayaw pumayag dahil nauna raw siya sa pila sa canteen. Ano ang gagawin mo?
5. Madalas kinukutya ang isa mong kaibigan ng iba mo pang Alam mong hindi ito mabuti. Ano ang gagawin mo? maibigan.
Answers & Comments
Answer:
1.Para sa akin ang gagawin ko ay aalagaan nalang ang aking nanay na may sakit kesa manood ng TV.
2.Makikiusap ako sa aking kalaro na isali ang aming kapitbahay na may kapansanan ipapaliwanag ko sakanya nang mabuti na dapat isali ang batang may kapansanan na kusang loob.
3.Sasabihin ko sa aming guro na bigyan pagkakataon ang ibang estudyante na mag-recite upang mailabas nila ang kanilang saloobin.
4.Pagsasabihan ko ang aking kaklase na mas unahin ang may mga kapansanan dahil hirap sila sa pagsiksikan at paghihintay sa pila.
5.Pagsasabihan ko ito na nasasaktan din ito at huwag nang ulitin upang hindi magkaroon ng sama ng loob sa isat-isa.
NOT ONLY GENIUS OR MODERATOR CAN ANSWER THIS QUESTION BECAUSE OTHER USER CAN ANSWER THIS QUESTION CORRECTLY
BY:Asley