PAG AALAGA NG MANOK: MGA PARAAN NG PAG AALAGA NG MANOK NA BROILER
Ang pag aalaga ng manok na broiler o 45 days ay isa sa mga masulong na negosyo may kinalaman sa pag-aalaga ng mga hayop. Dito sa Pilipinas, ang industriya ng pag aalaga ng manok o poultry ay nagmula sa maliit na mga kulungan ng manok sa bakuran hanggang sa ito ay maging malalaking gusali na ginagamit sa contract growing business ng pag aalaga ng manok na broiler.
Layunin ng artikulong ito na magbigay ng pangunahing mga kaalaman tungkol sa pag aalaga ng manok na broiler bilang isang matagumpay na negosyo.
PAGPILI AT PANGANGALAGA SA MGA SISIW NG BROILER NA MANOK
Kung gusto mong maging matagumpay ang iyong poultry business, kailangan mong pumili ng mga sisiw na iyong palalakihin. Una, piliin mo ang mapagkakatiwalaang hatchery o mapagbibilhan ng mga sisiw. Alamin mo kung gaano kalusog ang mga magulang ng sisiw at paano ito inaalagaan bago ka kumuha sa kanila.
Piliin mo ang mga malulusog na sisiw. Ang mga sisiw na malulusog ay tuyo at maganda ang balahibo, maganda ang mga mata, aktibo, walang sakit o abnormalidad sa pangangatawan, pare-pareho ang laki at kulay at dapat na hindi bumaba sa 33 gramo sa unang araw ng pagkapisa. Kunin mo ang mga sisiw na sa tingin mo ay mabibilis lumaki.
Answers & Comments
Answer: