Questions


September 2022 1 5 Report
O TUKSO LAYUAN MO AKO...
HOW?
-LUMAPIT SA DIYOS AT MANALANGIN...

Lucas 22:40-46
Pagdating doo'y sinabi niya sa kanila, "Manalangin kayo upang Hindi kayo madaig ng tukso."
.
"Bakit kayo natutulog?" Tanong niya.
"Bumangon kayo at manalangin upang hindi kayo madaig ng tukso."
.
Mateo 18:7-9
Kahabag-habag ang daigdig sa dami ng mga tuksong nagiging sanhi ng pagkakasala! Hindi nga maiiwasan ang pagdating ng tukso, ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong pinaggagalingan nito. "Kung ang iyong kamay o paa ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo iyon at itapon! (Hindi po yun literal), Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na putol ang isang kamay o isang paa, kaysa kumpleto ang iyong dalawang kamay at dalawang paa na itatapon sa apoy na hindi namamatay. Kung ang mata mo naman ang siyang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! (Hindi rin po yan literal), Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na bulag ang isang mata, kaysa may dalawang mata kang itapon sa apoy ng impiryerno."

Santiago 4:7-8
Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos. Labanan ninyo ang Diyablo at lalayuan kayo nito. Lumapit kayo sa Diyos at lalapit siya sa inyo. Linisin ninyo ang inyong mga kapamay, kayong mga makasalanan! Linisin ninyo ang ninyong puso, kayong pabagu-bago ang isip.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.