1. Tanging alamat lamang ang anyo ng naratibong naglalaman ng magagandang asal at kaugalian.
2. Sa Alamat ng Ilog sa Maguindanao, naging mandirigma si Pulang upang sagupain ang mananakop na
Español.
3. Ang alamat, sa kaniyang depinisyon, ay pumapaksa sa kathang-pinagmulan ng iba’t ibang bagay, lugar,
bahagi ng kalikasan tulad ng anyong-lupa o tubig, at iba pang kahalintulad.
4. Sa pagsusuri ng alamat, mahalagang tiyakin ang tauhan sa salaysay; habang hindi pinapansin ang ibang
elemento nito tulad ng tagpuan, tunggalian, at mga karunungang nakapaloob sa teksto.
5. Nilalaman ng tagpuan ng alamat ang lunang pinangyayarihan ng teksto; malaki rin ang gampanin nito
dahil maaaring dito umusbong ang tunggalian o ang bagay na pagmumulan ng mga pambihira.
6. Sa pamamagitan ng iskrip nakikita ang sistematikong daloy at pagkakasunod-sunod ng dokumentaryo.
7. Sa pamamagitan ng angkop na tunog at musika, higit na napaiigting ang damdaming mayroon sa bawat
eksena at/o tagpo sa mga dokumentaryong pantelebisyon.
8. Nilalayon ng dokumentaryo na maitaas ang antas ng kamalayan at kamulatang mayroon ang mga
manunood hinggil sa iba’t ibang usapin, isyu, at kalagayang panlipunan.
9. Tanging anggulo lamang ng kamera ang sinisiyasat sa sinematograpiya; wala ring epekto ang ilaw at
sining ng pagpitik sa larawan sa pagbibigay-diin sa mensahe ng dokumentaryong pantelebisyon.
10. Tinatalakay ng mga dokumentaryo hindi lamang ang buhay ng mga taong paksa nito; kundi maging ang
kondisyong panlipunang nagdudulot sa mga paraan ng pamumuhay mayroon ang isang lipunan.
Answers & Comments
Pa brainlest