Questions


January 2022 1 12 Report
9. Ang Indarapatra at Sulayman ay epikong mula sa ____________. *

a. Luzon
b. Davao
c. Mindanao
d. Visayas
10. Tumutukoy ang sanhi sa ________________ ng pangyayari at tinatawag namang bunga ang _______________ o resulta ng isang pangyayari. *

a. pinakaugat, kinalabasan
b. pangyayari, kinalabasan
c. ugat, resulta
d. dahilan, ugat
11. Ang awiting-bayang ito ay para sa pagpapatulog ng bata o paghehele. *

a. Diona
b. Uyayi
c. Kumintang
d. Dalit
12. Inaawit ito sa pamamangka o paggaod. *

a. Talindaw
b. Kalusan
c. Kundiman
d. Dalit
13. Maaari itong awitin kapag sama-samang gumagawa sa paggapas ng palay. *
1 point
a. Talindaw
b. Kalusan
c. Kundiman
d. Dalit
14. Inaawit ito para sa mga umiibig at sa nanghaharana. *

a. Uyayi
b. Diona
c. Dalit
d. Kundiman
15. Inaawit kapag nakikidigma. *

a. Kumintang
b. Diona
c. Dalit
d. Kundiman
16. Itinuturing itong isang panalangin para sa nais makamtan na ang isang pangyayari. *

a. Usal
b. Orasyon
c. Bulong
d. Awit
17. Mga salitang itinuturing na pamantayan dahil sa ito’y kinikilala at tinatanggap ng karamihang gumagamit ng wika. *

a. Pambansa
b. Pormal
c. Di-pormal
d. Pampanitikan
18. Mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit araw-araw. *

a. Pambansa
b. Pormal
c. Di-pormal
d. Pampanitikan
19. Mga salitang matalinghaga at madalas gamitin sa masining na pagpapahayag o retorika. *

a. Pambansa
b. Pormal
c. Di-pormal
d. Pampanitikan
20. Ang salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing nailathala sa iba’t ibang kapuluan at sa lahat ng paaralan. *

a. Pambansa
b. Pormal
c. Di-pormal
d. Pampanitikan
21. Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ang pook na pinaggagamitan nito. *

a. Lalawiganin
b. Balbal
c. Kolokyal
d. Pambansa
22. Tumutukoy ito sa mga karaniwang salita na ginagamit sa mga impormal na usapan o diyalogo kung saan pinapaikli ang mga orihinal na salita. *

a. Lalawiganin
b. Balbal
c. Kolokyal
d. Pambansa
23. Ito ang pinakamababang antas ng wika na maririnig sa ilang grupo ng tao. *

a. Lalawiganin
b. Balbal
c. Kolokyal
d. Pambansa
24. Isa itong uri ng komposisyong pangmasa na medaling ihanda at isulat. Ito ay nakasulat sa anyong patula na may tugma at kadalasa’y binubuo ng dalawang taludtod. Mababasa ito sa loob ng pampublikong sasakyan. *

a. Tugmang de-gulong
b. Tulang Panudyo
c. Bugtong/Palaisipan
d. Tula
25. Ang tulang ito ay karaniwang ginagamit sa panunukso, pangungutya ng kapuwa, o kaya’y pagpaparinig ng mga pangungusap na patuya. *

a. Tugmang de-gulong
b. Tulang Panudyo
c. Bugtong/Palaisipan
d. Tula
26. Ito ay mga parirala o mga pangungusap na inihanay nang patula at naglalaman ng talinghaga at kapupulutan ng mahahalagang butil ng karunungan. *

a. Tugmang de-gulong
b. Tulang Panudyo
c. Bugtong/Palaisipan
d. Tula
27. Ang katangian ng isang tulang panudyo ay ____________. *

a. Nagbibigay ng inspirasyon
b. Mang-aliw
c. Manukso
d. Patalasin ang isip
28. Ang tugmang de-gulong ay mababasa sa _____________. *

a. Aklat
b. Palikuran
c. Dyip o bus
d. Tahanan
29. Ito ay isang uri ng prosang pasalaysay na naglalahad ng mga pangyayaring naganap noong unang panahon tungkol sa isang bayan na sinasabing makatotohanan. *

a. Mito
b. Alamat
c. Kuwentong-bayan
d. Epiko
30. Isa rin itong prosang pasalaysay na kakaiba sa mito. Ang mga tauhan ay sinaunang bayani, mga pinuno, hari na nagtatagumpay sa pamumuno sa mga nasasakupan, at/o mga mortal na makikitang naglalakbay. *

a. Mito
b. Alamat
c. Kuwentong-bayan
d. Epiko
31. Ito ay isang fiction na bunga ng imahinasyon kaya hindi kapani-paniwala. Kapupulutan din ito ng aral. May nagsasabi na ginawa ito bilang libangan. *

a. Mito
b. Alamat
c. Kuwentong-bayan
d. Epiko
32. Mahalaga ang isang balita sapagkat naghahatid ito ng ___________. *

a. Impormasyon
b. Tsismis
c. Awitin
d. Video
33. Ang isang balitang “walang kinikilingan” ay nangangahulugang ___________. *

a. Walang ganda
b. Walang pinapanigan
c. Walang alinlangan
d. Walang kaayusan
Option 5
34. Anong himala ang nasaksihan ni Don Juan nang uminom siya sa bumbong na yari sa kawayan? *

a. Napakasama ng lasa ng tubig sa bumbong.
b. Kakaunti ang laman ng tubig ngunit malinamnam ang lasa.
c. Malinamnam ang tubig ngunit hindi nababawasan ang laman at laging puno ito.
d. Marumi ang tubig sa bumbong kaya parang hindi niya ito mainom.
35. Anong uri ng tayutay ang ipinakikita sa saknong na ito? “Paalam na, O, Don Juansi Leonora ay paalam.kung talagang ikaw’y pataymagkita sa ibang buhay.” *

a. simile
b. apostrophe
c. personipikasyon
d. metapora

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.