“Ang pagkain ng gulay ay parang paggawa ng takdang aralin
Kailangan mong gawin kahit labag sa iyong damdamin.”
Ang pagkain ng mga masusustansyang gulay ay kailangan ng ating katawan upang maging malusog, malakas at malayo sa iba’t ibang uri ng sakit. Katulad na lamang ngayong pandemya, samu’t-saring mga sakit ang naglipana sa ating lipunan at upang makaiwas sa mga ito ay kinakailangan ng katawan natin ng masusustansyang pagkain upang mapalakas ang ating katawan at labanan ang iba’t ibang uri ng sakit. Ang mga gulay ay mayayaman sa iba’t ibang uri ng bitamina na kinakailangan ng ating katawan tulad na lamang ng Vitamin C na nakakatulong upang maiwasan natin ang mga sakit tulad ng sipon, ubo lagnat at iba pa. Samantalang ang Vitamin B naman ay nakakatulong upang mas mapatalas ang ating pag-iisip at Vitamin A na nakakatulong upang maging malinaw ang ating mga paningin. Marami pang ibang uri ng bitamina ang makukuha natin sa pagkain ng mga gulay kaya kahit ayaw mo man itong kainin ay wala kang magagawa dahil kailangan mo itong kainin upang makamit ang malusog na pangangatawan.
Para sa iba pang impormasyon, maaaring bisitahin ang link sa ibaba:
Answers & Comments

brainly.ph/question/29196877
#SPJ2