Questions


September 2022 1 4 Report
Noong unang panahon, hindi umaalis ng bahay ang mga dalaga nang nag-iisa. Sinusundo sila kapag mayroon silang pinupuntahan. Ito ay naging kaugalian na ng mga tao sa Parañaque noon. Tinatawag nila itong “Sunduan”. Ang “Sunduan” ay isang
matandang kaugalian. Tuwing pista sa bayan ng Parañaque, ang Sunduan ay
kanilang binubuhay. May komite na namamahala sa mga gawain at pagtatanghal kung pista. Ang puno o chairman nito ay hermano mayor. Kung babae ang chairman tinatawag itong hermana mayor. Ang komite ang pumipili ng mga dalaga at binata na gaganap sa
Sunduan. Magagandang dalaga at makikisig na binata na may kasiya-siyang ugali ang pinipili. Isang karangalan para sa mga dalaga at binata ang mapabilang sa Sunduan.
Sa kaarawan ng pista, sinusundo ng mga binata ang mga dalaga, kasama ang
banda ng musiko. Lumalakad sila sa mga pangunahing lansangan ng bayan.
Makikisigang mga binata sa kasuotang barong at naggagandahan naman ang mga dalaga
sa kani-kanilang baro at saya. Makukulay ang payong nila. Nagtataposang masayang
paglalakad sa bahay ng hermano mayor. Isang masaganang salo-salo ang naghihintay sa
kanila roon.

9. Ano ang Sunduan?


10. Ano ang kaugaliang ipinapakita sa tradisyong ito?


11. Saang lugar ito sinusubukang ibalik muli?


12 -15. Ilarawan sa iyong sariling salita ang selebrasyon ng kanilang pista

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.