NOON, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton, isang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan
gaano man ito kalapit, gaano man ito kalayo
gaano man ito kakitid, gaano man ito kalawak
kaunti man o marami ang mga paang humahakbang mabagal man o mabilis, pahintu-hinto man o tuloy-tuloy
ang bawat paghakbang ay may patutunguhan.
ang bawat paghakbang ay may mararating.
ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan.
hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan
paghakbang na pinuhunanan ng pawis, dugo, at luha
paghakbang na kinamulatan ng maraming pagsubok,
pangamba, at panganib
mula pa sa panahon ng kawalang-malay hanggang sa panahon ng walang humpay na pananakop,
digmaan, at kasarinlan
at hanggang sa kontemporaryong panahon ng makinasyon
sumibol ang kayraming kulturang sinangkutsa sa ating diwa't kamalayan kulturang may ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw, may haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo,
at tangis ng pamamaalam.
ito ang ating tinalunton, ito ang bunga ng ating paghakbang:
ang kulturang ipinamana sa atin ng nakaraan.
NGAYON, sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago, binhing nakatanim ang maraming kulturang
nag-uumapaw sa ating diwa nagbabanyos sa ating damdamin
nag-aakyat sa ating kaluluwa
sinubok ng maraming taon
inalay sa mga bagong sibol ng panahon
anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian
ang kultura'y pinayayabong
nang may halong sigla at tuwa,
nang may kasalong pagsubok at paghamon
kulturang sinusuyod ng kapuri-puring ugali at marangal na kilos
kulturang inihahain ng pagsamba't prusisyon
kulturang sinasalamin ang pasko't pistang-bayan kulturang pinaaawit ng pasyon at pagsasabuhay ng Poon
kulturang patuloy na sumisibol at ipinapupunla ng tradisyon: pampamilya, pang-eskuwela, pampolitika, panrehiyon, at pambansa na dinilig ng maraming pagpapaalala, paggabay, at patnubay
at pinayaman ng makukulay na karanasan kulturang inihain at tinanggap, sinunod, at isinakatuparan,
ito ang regalo ng kultura regalo ng kasalukuyan.
BUKAS, ang kulturang itinudla ng nakaraan at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan
at mananatiling repleksyon ng kabutihan
kulturang gagalang sa mga bata't matanda
kulturang rerespeto sa mga babae't may kapansanan kulturang luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran
kasaliw ng mga awiting bayan at katutubong sayaw katali ng pagsasadula't pagbabalagtasan diwang marangal ang ipupunla kariringgan ng maraming wika
magkakapantay sa kalayaan at karapatan magsasama-sama, magkakapit-bisig, magtutulung-tulungan
habang patuloy na humahakbang upang galugarin pa ang kulturang pagyayamanin ng ating lahi
ng lahing magiting
ng lahing kapuri-puri
ng lahing marangal.
Pa help po
Answers & Comments
Answer:
ito ay sinusubok Ng panahon at kasalukuyan