Niyebeng Itim ni Liu Heng
Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Ilarawan ang tagpuan ng kwento. Sa iyong palagay, anong panahon naganap iyo?
3. Ano ang tema ng kwentong binasa?
4. a. Paano sinimulan ng may-akda ang kwento?
b. Ano ang suliraning taglay ng pangunahing tauhan?
c. Paano hinarap ni Huiquan ang kanyang problema?
d. Paano sinikap ni Huiquan na malutas ang kanyang suliranin?
e. Ano ang mga hakbang na kaniyang isinagawa?
f. Ano ang kinalabasan ng mga hakbang na ito?
5. Paano winakasan ng may akda ang kwento?
Answers & Comments
Answer:
1. Ang mga tauhan sa kuwento ay sina Li Huiquan, Tiya Luo, klerk, Hepeng Li (Tiyo Li), at Luo Xiafen.
2. Matapos makulong sa kulungan si Huiquan ay dumiretso siya sa isang lugar, at
nagpakuha ng litrato kasama ni Tiya luo. Ikalawa, nagpirmi na siya sa kanyang tahanan
upang makapag-isip. Ikatlo, pinuntahan niya ang isang kalye upang tingnan ang pwesto na ibinigay sa kanya upang makapagsimulang muli sa pagtitinda ng damit at sapatos. Sa palagay ko, naganap ito noong malamig na panahon dahil sa mga niyebeng bumabagsak. Malapit na ang panahon ng bagong taon noon sa Tsina.
3. Ito ay tungkol sa mga tradisyon at kaugalian ng mga Tsino. Ang tema ay pinapalooban ng mga pag-uugali, tradisyon at pananaw sa buhay ng mga taong nakatira roon.
4. a. Nagsimula ito nang paparating na ang bisperas ng taon. Nagpakuha ng litrato si Li Huiquan upang gamiting ito sa pagkuha ng lisensya para sa pagtitinda ng prutas.
b. Ang suliraning ikinaharap ng pangunahing tauhan sa Niyebeng Itim na si Li Huiquan ay ang hindi pag-apruba ng kaniyang lisensya sa pagtitinda ng prutas sa kadahilanang puno na ang kota. At kahit mayroong kontak ang kaniyang Tiya Luo, hindi na rin nito natulungan si Huiquan.
c. Si Huiquan sa kuwentong "Niyebeng Itim" ay nakaranas ng iba't-ibang pagsubok. llan dito ay ang paninira ng mga kapwa nya nagtitinda dahil sa inggit. Naging mas mabenta kasi ang paninda ni Huiquan dahil nakaisip siya ng kakaibang paraan upang makahikayat ng bibili. Nagpakita ng tatag ng loob si Huiquan at hindi siya naghiganti o nagtanim ng galit. Pinanatili niya ang kababaan ng kanyang loob.
d. Naghanap siya ng trabaho—ang pagtitinda ng damit. Siya ay nagsumikap at tumayo sa sarili niyang paa.
e. Upang makatakas sa madilim niyang kahapon, humanap ng pwesto si huiquan sa isang kalye upang magkapwesto at makapagbenta ng mga damit. Paunti-unti ay nakakabenta naman siya at ito ay daan ng kanyang pagbabagong-buhay.
f. Napagtanto ni Huiquan na ang pagtiyatiyaga niya ay magbubunga din balang araw.
5. Ang wakas ng kuwento ay ginamitan ng may akda ng isang masaya at magandang katapusan. Ginamitan niya ng damdamin ang mga tauhan na nagsilbing halimbawa para sa mga taong muntik ng sumuko at nawalan ng pag-asa.
Explanation:
For more information:
visit
brainly.ph/question/10200665
brainly.ph/question/10446238
#CarryOnLearning