Ang argumento ay isang 1. ng pangangatwiran. Ito ay ang paglalatag 2 upang maging makatwiran ang isang panig. Ang bawat pahayag ay may dalawang uri: opinyon o katotohanan. Ang 3. ay mga pahayag ayon sa paniniwala o ideya ng isa o iilang tao lamang batay sa kanilang karanasan o napapansin sa mga bagay at mga pangyayari sa paligid na hindi pa lubusang napatunayan at walang mabigat na pruweba. Maaaring gamitan ang mga pahayag na ito ng: ayon kay/kina, para kay/kina at sa paniniwala ni/nina. Halimbawa: Ayon sa albularyo, kinulam daw ang nanay ni Mona kaya ito nagwawala tuwing alas dose ng gabi. Samantalang ang 4. ay mga tunay na kaganapan, bagay at kaalaman na napatunayan na ng nakararami o ng siyensya. Ito ay masusing pinag- aralan at napatunayan ng mga propesyunal at mga eksperto batay sa mabibigat na pruweba.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.