“At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae” (Genesis 1:26–27).
Ang Diyos ang ating Ama sa Langit, at nilikha Niya tayo sa Kanyang wangis. Tungkol sa katotohanang ito, sinabi ni Pangulong Thomas S. Monson: “Ang ating Diyos Ama ay may mga tainga para marinig ang ating mga dalangin. Mayroon siyang mga mata para makita ang ating mga kilos. Mayroon siyang bibig para makapangusap sa atin. Mayroon siyang puso para makadama ng habag at pagmamahal. Siya ay tunay. Siya ay buhay. Tayo ay kanyang mga anak na nilikha sa kanyang larawan. Kamukha niya tayo at kamukha natin siya.”1
“Itinuturing ng mga Banal sa mga Huling Araw ang lahat ng tao bilang mga anak ng Diyos sa ganap at lubos na kahulugan nito; itinuturing nila ang bawat tao na may banal na pinagmulan, kalikasan, at potensyal.”2 Bawat isa ay “minamahal na espiritung anak na lalaki o anak na babae ng mga magulang na nasa langit.”3
“Nalaman din ni [Propetang] Joseph Smith na hangad ng Diyos na matanggap ng Kanyang mga anak ang uri ng kadakilaang taglay Niya.”4 Tulad ng sabi ng Diyos, “Sapagkat masdan, ito ang aking gawain at aking kaluwalhatian—ang isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao” (Moises 1:39).
Answers & Comments
Answer:

Explanation:
Sana makatulong pa brainlest po