ni Li Gawain 2: Unawain Mo Panuto: Sagutin ang sumusunod pahayag at tanong batay sa binasang talata. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Paano makikita kay Amanda Bartolome ang katangiang pagkakakilanlan ng kanyang bansa? 2. Ilarawan ang kaugalian o kulturang masasalamin sa binasang talata. 3. Paano nakatulong ang mga salitang naglalarawan upang mabisang mailahad talata? 4. Balikan ang talata. Itala sa kahon sa ibaba ang mga salitang ginamit sa paglalarawan. 5. Mula sa mga salitang naitala sa bilang 4. Pumili ng lima at gamitin sa sariling pangungusap 14 CO_Q1_Filipino10_Module6
Answers & Comments
Answer:
1.
Si Amanda Bartolome ay isa sa mga pangunahin karakter sa akda at pelikulang Dekada '70. Nirerepresenta nya ang lipunan ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang mga pinagdaanan bilang isang ina,asawa,at mamamayan ng bansa. Sinasalamin ni Amanda Bartolome ang kabulukan ng sistema na nagsisilbi lamang sa mga nasa kapangyarihan at pang-aapi sa mahihirap.
Si Amanda Bartolome at ang pagtingin sa mga kababaihan Bilang isang Babae, Ina at Asawa, maraming nakatakdang ekspektasyon kay Amanda. Dlnidikta ng lipunan na kailangan lamang ni Amanda na making at tumahimik sa mga pulitikal na isyu ng bansa. Nakatakda din ang kanyangpananahimik at pag-sunod sa anumang gustuhin at desisyon ng kanyang asawang si Julian. Dinidikta ng lipunan na ang mga babae ay pang-bahay lamang - taga-silbi at taga-sunod sa kanyang asawa. Ngunit, tulad ng nangyayari sa bawat panggigipit, napuno ang salop ni Amanda. Nakita nya at niyakap ang pangangailangan nyang magsalita at kumilos upang mapalaya ang kanyang sarili sa dikta ng sistema. Pinangibabawan ni Amanda ang pagtingin ng mga tao sa isang babae; pinatunayan nya na anuman ang kasarian ng isang tao, may karapatan at kalayaan itong lumaban at manindigan para sa kanyang karapatan. Nakita at ginampanan ni Amanda Bartolome ang papel nya bilang anak ng bayan, ina ng bagong henerasyon, at representante ng mga inaapi. Gagap ni Amanda na hindi matatapos ang pagsasamantala kung tayo ay susunod lamang at magbubulag-bulagan sa mga karahasan at paglabag sa karapatang pantao. Nakita nya ang pangangailangan ng kolektibong pagkilos dahil alam nya na sa pamamagitan lamang nito magtatagumpay ang sambayanan.
2.
Ang pelikula ay isang visual medium para sa pagpapahayag ng mga ideya, pagpapakita ng mga kultura at kasaysayan, at pinagsasama-sama ang mga tao sa pamamagitan ng malikhaing paraan. Nilalayon ng pelikulang Dekda '70 na isulong ang mga partikular na nasyonalistang pananaw, ilang mga ideolohiya, peminismo.
Ang mga pelikula ay kumikilos bilang isang mahusay na paraan upang maikalat ang mga mensahe at mga mithiin sa malawak na madla. Ang pangunahing karakter ng pelikula, si Amanda Bartolome, ay nagkakaroon ng kamalayan sa quasi-feminisista na kahanay ng kanyang pag-unlad ng isang nasyonalistang kamalayan sa pamamagitan ng kanyang mga karanasan sa karahasan ng estado na itinaguyod, militarisadong karahasan, at pakikipag-ugnay sa pamilyang katutubo.
3. Nakakatulong ito upang maging maliwanag o maunawaan ng mga mambabasa ang talatang binasa. Nilalayon din nito na luminaw sa guni-guni ng mambabasa o tagapakinig ang isyu o pangyayaring sinaad sa talata. 4. mapagmahal makisig matapang taliwas masalimot na kalagayan katatagan ilaw ng tahanan mulat ang kamalayan
5.
Mapagmahal na bata ang aking bunsong kapatid.
Matapang ang aking ama kung kaya't hiniwalayan sya ng aking ina.
Kami ay may masalimot na kalagayan noong bata pa.
Ang aming buhay ay mahirap kaya mulat sa kamalayan.
Ang aking ina ang nagsisilbing ilaw ng tahanan.
Explanation:
❤