Ngayong naunawaan mo na ang aralin, oras na para
sukatin ang iyong natutuhan. Ipabasa nang malakas sa iyong
kapamilya ang editoryal. Itala ang mahahalagang detalye at muli
itong isalaysay. Maaari mong ibidyo o irekord ang iyong boses o
kaya isulat mo ito sa sagutang papel. Gamitin ang pamantayan
sa bahaging ISAGAWA ng modyul na ito. Pantay na Edukasyon

ni Inee A. Martinez

Edukasyon para sa lahat. Isa ito sa mga isinusulong ng
Association of South East Asian Nations (ASEAN). Kung kaya’t
ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagkaroon ng iba’t ibang
programa upang ipatupad ito. Ilan na nga sa mga ito ay ang
Alternative Learning System (ALS) para sa mga out-of-school
youths, kariton klasrum at oplan-balik eskwela. Mayroon ding
programa para sa mga batang differently abled—ang Special
Education.
Isagawa

Tayahin

13

City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Taong 2009 nang tugunan ng kagawaran ang problema sa
Special Education kung saan, sa target na 2.2 milyong batang
may disabilities ay 2% lamang ang nakakapag-aral. Ipinatupad
ang DepEd Order 72, s. 2009 o ang Inclusive Education as
Strategy for Increasing Participation Rate of Children. Layunin
nito na tanggapin ang mga mag-aaral anoman ang kanilang
pinagmulan, laki, hugis, abilidad o disability kasama ang
suporta ng paaralan, mag-aaral, magulang at komunidad. Nararapat lamang na tugunan ng bawat paaralan ang
panawagan na itong Kagawaran ng Edukasyon. Ang bawat bata ay may karapatan. Isa na nga rito ay ang
karapatang mag-aral. Isa ang San Roque Elementary School sa
mga paaralan sa Pilipinas na mayroong Special Education
program. Mayroon ding mainstreaming kung saan inihahalo ang
mga SpEd pupils sa regular class hanggang sila ay
makapagtapos sa elementarya. Gayundin ang mga batang Gifted
at Talented pati na rin ang mga pipi at bingi. Iba man sa paningin ngunit sila ay may karapatan din. Ituring natin silang katulad natin at bigyan natin sila ng pantay
na pagtingin.

LIST NYO LANG PO YUNG IMPORTANT DETAILS SA KWENTO SALAMAT

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.