Questions


December 2022 1 3 Report
ng Pilipino: Masayahin sa Anumang Sitwasyon
Kabilang ang mga Pilipino sa pinakamasasayang tao sa buong mundo. Kilala tayo bilang mga taong madalas nakangiti sa panahon ng kaginhawahan at maging sa panahon ng pagsubok. Sa harap ng mga problema, nagagawa nating tumawa at magbiro tungkol sa ating sitwasyon.
Isang patunay ng pagiging masayahin ng mga Pilipino ay ang ating kalendaryo na punong-puno ng masasayang pagdiriwang mula Enero hanggang Disyembre. Hindi mabilang ang piyesta sa Pilipinas dahil halos linggo-linggo ay may isang barangay, siyudad, o lalawigan na nagdiriwang ng mahalagang okasyon. May idinideklara ding opisyal na pagdiriwang ang ating pamahalaan----ilan sa mga ito ang Pasko, Chinese New Year, Eid al-Fitr, at iba pa.
Mayroon din namang maliliit na selebrasyon sa loob ng pamilya, tulad ng kaarawan, anibersaryo, pagtatapos at marami pang iba. Kung titignan ay maliliit lamang ang dahilan ng mga ito, subalit para sa pamilyang Pilipino, kahit ang pinakamumunting mga tagumpay ay dapat na ipagdiwang.
Ito ang isa sa mga sekreto ng katatagan ng pamilyang Pilipino----naghahanap tayo ng dahilan upang magsaya. Kapag may mga pagsubok ay nagkakaisa tayo upang magbigay ng suporta, subalit naghahanap din tayo ng magagandang bagay na maaaring ipagpasalamat.
Tayong mga Pilipino ay masayahing mga tao. Hangga't maaari, haharapin natin ang ating mga problema nang positibo at may ngiti sa ating mga labi. Gayundin, ayaw natin na malungkot ang iba. kaya bilang pakikisama ay tumutulong din tayo sa kanila upang sumaya sila.
Sa panahon ng dilubyo, lindol, o politikal na krisis, nagdadalamhati tayo para sa hirap na pinagdadaanan ng ating pamilya at mga kababayan. Ngunit sa puso natin, nararamdaman natin na hindi maaaring manatili sa pagkalugami-----kailangang bumangon at muling sumaya. Tayo'y pamilyang Pilipino, at para sa atin, laging mayroong dahilan upang sumaya.


Sa iyong palagay, ano-ano ang iba pang mga halimbawa ng salitang magkakaugnay mula sa binasang teksto?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.