Isang araw, habang ako'y natutulog nang mahimbing ako ay biglang nagising dahil sa ingay na aking narinig. Aking narinig ang tunog ng walis at agos ng tubig. Nakita ko nalamang na naglilinis ng aming tahanan ang nanay. Walis doon at maya't maya ay hugas ng pinagkainan. Hindi 'ko matiis na makita si nanay na naghihirap sa paglilinis ng bahay dahil siya lamang ang inaasahan namin sa bahay. Agad kong tinulungan ang aking ina sa paglilinis dahil ako ay nakokonsensya sa hindi pagtulong ng gawaing bahay. Niyaya ko muna na ako ang pumalit sa kaniya sa paglilinis ng aming tahanan dahil pagod na pagod na si nanay sa paglilinis ng bahay. kaya siya muna ang dapat magpahinga at ako naman ang maglilinis ng aming tahanan dahil malakas pa naman ang aking katawan samantalang si nanay ay medyo mahina na ang kaniyang pangangatawan upang gawin ang mga gawaing ito. Mula noon at hanggang ngayon ay palagi ko ng tinutulungan ng kusa si nanay.
Answers & Comments
Answer: