yuny lanolin
GAWAIN 3: Basahing mabuti ang mga talata at sagutin ang mga tanong sa
ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Maraming nagtitiwalang magpaayos ng kanilang mga sirang sasakyan kay
Ben. Hindi niya alintana kung marumihan man siya at malagyan ng langis at
grasa ang katawan. Bakit maraming nagtitiwala sa gawa ni Ben? Paano siya
gumawa ng sasakyan?
2.Malaki ang naitutulong ng paglalaro sa tao. Lumalakas ang katawan,
sumisigla ang isip, nahuhubog ang tinatawag na sportsmanship, natututong
magtiwala sa sarili, naiintindihang ang pagtutulungan at nalalaman ang lakas
ng tinatawag na teamwork. Bakit mahalaga na nakapaglalaro ang isang
tao? Paano nito natuturuan/ natutulungan ang isang tao?
3. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat
lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat
sa kanilang patron. Isa pang kilalang tradisyon natin ay bayanihan. Ang
bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain. May
mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa
mga lalawigan. Bakit ipinagdiriwang ang mga kapisthan sa Pilipinas
Paano ito ipinagdiriwang sa bawat lugar?
4. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng
maraming suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at
pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa't isa. Ano
mang problema ang dumating, kailangan mapanatiling buo at matatag ang
pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya't patuloy mong
ingatan. Bakit mahalaga sa Pamilya Pilipino ang pagkakabuklod buklode
Paano natin mailalarawan ang pamilyang Pilipino
Answers & Comments
Answer:
1) maraming natiwala kay ben dahil kaya niyang ayusin ang mga sirang sasakyan,hindi niya alintana ang mga grasa at langis kanyang katawan
2) opo sapagkat dito nahuhubog ang tinatawag na sportmanship at pagkakaisa ng isang grupo
3) ipinagdiriwang ang mga pista sa pilipinas dahil atin na itong nakagawian , ang paraan ng pagdiriwang sa ibang lugar ay ang pagbabayanihan na tulong tulong ang mga tao sa isang gawain
4)mahalaga ang pamilyang pilipino dahil sa oras ng suliranin at hirap ay mayroon tayong masasandalan mailalarawan ko ang pamilyang pilipino bilang isang pamilyang nagkakaisa sa lahat ng oras
Explanation: