Natutukoy ang wastong pang-ugnay na dapat gamitin sa pagpapahayag ng opinyon
Piliin at salungguhitan sa loob ng panaklong ang wastong pang-ugnay na dapat gamitin sa pagpapahayag ng opinyon.
1. Ang Scarborough Shoal ay matatagpuan sa Dagat Kanlurang Pilipinas na kilala rin bilang Dagat Timog Tsina. (Dahil sa, Ano, Kaagad) ganitong kalagayan, pinag-aagawan ng dalawang bansa ang isla.
2. Sa mga nakalipas na buwan ay umiigting ang tensiyon sa dalawang bansa at (bilang resulta, labis, talaga) nito, kapag hindi naayos ang isyu, ay bakâ sumiklab ang isang digmaan.
3. Sakaling magkaroon ng digmaan sa pagitan ng China at ng Pilipinas, (labis, sa katunayan, tiyak) na walang laban ang mga Pilipino dahil sa nuclear weapon ng China.
4. Kinakailangan na ngang makialam ng United Nations, (sa madaling salita, sa lalong madaling panahon, kayâ naman), upang maiwasan ang digmaan sa pagitan ng Pilipinas at ng China.
5. Lubhang napakalaki na ng lupaing nasasakop ng China. (Sa ganitong kalagayan, Sa katunayan, tiyak) ay nais pa nilang maangkin ang Scarborough Shoal.
Answers & Comments
Answer:
1. Dahil sa.
2. Bilang resulta.
3. Tiyak.
4. Sa lalong madaling panahon.
5. Sa katunayan.