Natutuhan mo sa araling ito na ang mga salitang ginagamit sa
pagsang-ayon o pagsalungat sa isang pahayag.
Kapag ikaw ay magbibigay ng reaksiyon sa mga nababasa o
naririnig tulad ng balita, anunsiyo o iba pang kaisipan, dapat mong
gamitin ang wastong
_k_p_____n
Answers & Comments
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM
K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum Mayo 2016 Pahina 3 ng 190
Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, (2) replektibo / mapanuring pag-iisip at, (3) pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa
daigdig.
Sa ikatatamo ng mithiing ito, kailangan ng mga kagamitang panturo ng mga guro bilang suporta sa kurikulum na magmumula sa administrasyon, ahensiyang panlipunan, pribado at publiko, pamahalaang
lokal, midya, tahanan at iba pang sektor ng lipunan.
Isinaalang-alang sa pagbuo ng kurikulum ang pangangailangang panlipunan, lokal at global na pamayanan, maging ang kalikasan at pangangailangan ng mga mag-aaral. Pinagbatayan din ang mga legal na
batas pang-edukasyon, at mga teoryang pilosopikal ng edukasyon at wika nina Jean Piaget (Developmental Stages of Learning), Leo Vygotsky (Cooperative Learning), Jerome Bruner (Discovery Learning), Robert
Gagne (Heirarchical Learning ), David Ausubel (Interactive/Integrated Learning),Cummins (Basic Interpersonal Communication Skills-BICS at Cognitive Academic Language Proficiency Skills-CALPS) at ng ating
pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na nagsabing “nasa kabataan ang pag-asa ng bayan”. Dahil ang Filipino ay nasa disiplina ng wika, pinagbatayan ang mga teorya sa kalikasan at pagkatuto ng wika, mga
teorya / simulain sa pagsusuring panliterasi at mga pagdulog sa pagtuturo ng wika (W1, W2, W3) at pagtuturo ng mga akdang pampanitikan at tekstong palahad.