Questions


September 2022 1 3 Report
Gawain 3 Panuto: Basahin ang kuwento. Isulat sa malinis na papel ang limang (5) pangyayaring

naobserbahan/ nasaksihan ng dalawang manlalakbay.

Eto po ang Kwento


Ang Puno at Ang Mga Manlalakbay

Sa gitna ng isang kaparangan ay may nakatayong isang malaking puno. Tanging ito ang nagiisang mataas na puno sa lugar na iyon.



Kasagsagan ng init dahil tanghaling tapat, kaya maging ang ang dapyo ng hangin ay mainit sa

balat. Samantala kanina pa naglalakad sa initan ang dalawang manlalakbay. Pawis na pawis na sila

sa paglalakad. Naghahanap sila ng masisilungan para panandaliang pahinga.



Hanggang sa namataan nila ang isang puno. Nag-unahan sila sa pagtakbo palapit sa

malaking puno.

“Sa wakas may masisilungan na tayo!’’ sigaw ng isang manlalakbay sa labis na tuwa.

“Oo nga!” wika naman ng kasama.



Nang makalapit sila sa malaking puno kaagad silang sumilong sa ilalim nito. Matapos maupo

ng ilang sandali ay iniunat nila sa lupa ang pagod na katawan. Habang namamahinga ay

nagkuwentuhan ang dalawa. Nakatingin sa itaas ng punongkahoy.

“Parang may napansin ako sa punong ito,” wika ng isang kasama.

“Bakit? Ano ba ang napansin mo?”

“Tingnan mo, wala man lamang kabung-bunga ang punong ito,” sabay turo sa itaas ng puno.

“Oo nga, ano? Sang-ayon naman ng isang kasama. “Kung ganoon, wala palang silbi ang punong ito,

sayang kaylaki pa naman at kay taas. Dapat sa punong ito ay putulin, tutal wala naman pakinabang.”



“Hindi nalingid sa malaking punongkahoy ang usapan ng dalawang manlalakbay. Nalulungkot

siya sa kawalan ng utang na loob ng dalawa. Hindi man lamang magpasalamat sa kanya dahil sa

lilim na ibinigay niya sa mga ito, sa halip pulos pamimintas pa ang isinukli. Balak pa siyang ipaputol.

Hindi man lamang naisip na wala man siyang bungang makakain ay nagbibigay naman siya ng lilim

sa mga gustong magpahinga.

Halaw mula sa Pluma 5 Wika at Pagbasa d.338-340 ni Ailene B. Julian



1.

2.

3.

4.

5.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.