B. Magtala ng tatlong halimbawa ng tugmang de gulong na iyong nakikita/ naririnig sa mga pampublikong sasakyan. Isulat ang uri ng pasaherong inilalarawan dito at ang damdamin ng drayber na masasalamin dito. Gawin sa sagutang papel. Halimbawa: "Huwag dumikuwatro sapagkat dyip ko'y di kuwarto." Damdamin: Nagpapaalala
Tugmang de Gulong
1.
2.
3.
Uri ng Pasahero
1.
2.
3.
Damdaming Nakapaloob
1.
2.
3.
Answers & Comments
Verified answer
Gabay sa Pagsagot:
Tugmang De Gulong
- Ang tugmang de gulong ay ang mga paalala na ating nakikita sa mga pampubkikong sasakyan tulad ng traysikel at jeep. Kalimitang nakakatawa ang mga ito.
Halimbawa:
Huwag dumekwatro, hindi mo ito kwarto.
Huwag kang bumukaka, hindi ka palaka.
God knows HUDAS not pay.
Bayad muna bago baba.
Barya lang sa umaga.
Ano ang Tugmang de Gulong?
-Ito ay mga simpleng paalala sa mga pasahero na maaari nating matagpuan sa mga pampublikong sasakyan tulad ng dyip, bus at traysikel.
-Maaari itong nasa anyo ng salawikain, maikling tula o kasabihan.
-Ang mga tugma o paalalang ito ay karaniwang nakatutuwa, nanunudyo o di kaya naman ay mayroon talagang makabuluhang mensaheng nais iparating sa mga pasahero.
- Karaniwan ding inihahango ang mga tugmang ito sa mga kasabihan o salawikaing Pilipino.
Ano ang tugma?
-ito ay ang pagkakapare-pareho ng dulong tunog ng dalawa o higit pang taludtod sa isang saknong ng tula.
Kahalagahan ng tugmang de gulong
Nagsisilbing paalala sa mga pasahero.
Nakakatulong sa mga drayber upang mapadali ang trabaho.
Katangian ng Tugmang de Gulong
Nakaayon ito sa mga tanyag na kasabihan o salawikain.
Nakatutuwa ito at mayroong kinalaman sa buhay ng isang tsuper o pasahero .
Ito ay panunudyo o pang-aasar ngunit iniiwasan ang labis na paggamit ng salita upang hindi naman lubhang makasakit ng damdamin.
Seryoso ang tono sa pagbibigay ng paalala o motibasyon sa mga pasahero at kapwa komyuter.
Bakit Nabuo ang mga Tugmang De Gulong?
Dahil ito sa nais ng mga may-ari ng pampasaherong sasakyan na mas pagandahin ang kanilang mga ginagamit sa hanapbuhay. Upang maging kakaiba, imbes na larawan ng mga sikat na personalidad, sinubukan nilang isulat ang mga paalala sa mas malikhaing paraan na naging patok naman sa mga komyuter. Dahil doon, lumaganap ang paglalagay ng mga paalala sa mga pampasaherong sasakyan at kalaunan ay nakilala bilang tugmang de gulong.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
(1) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
brainly.ph/question/2466606
(2) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
brainly.ph/question/80992
(3) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
brainly.ph/question/1037061
#BRAINLYFAST