Questions


December 2022 1 3 Report
Naranasan mo na bang magbasa ng isang pahayagan? Ano-ano ang
mababasa mula rito? Tunghayan ang usapan ng mga mag-aaral sa ibaba.
Nasa aklatan ang mga mag-aaral. Nagbasa sila ng mga pahayagan.
LITO : Narinig mo na ba ang isang di-kapani- paniwalang balita?
NILDA : Tungkol saan ang balita?
LITO : Tungkol sa isang taong marunong magsalita ng 58 wika.
NILDA : Ano-ano pang impormasyon ang sinasabi tungkol sa kaniya?
LITO : Siya ay isang Lebanese at nagtatrabaho bilang guro at tagasalin ng
wika. Nag-aral siya ng mga wika sa sarili lang niya
NILDA : Talagang kahanga-hanga siya! Ito namang editoryal sa araw na ito
ang pakinggan mo.
LITO : Tungkol saan ang editoryal?
NILDA : Tungkol sa problema sa basura. Malala na talaga ang ating problema
sa basura.
LITO : Ano naman ang sinasabi sa editoryal?
NILDA : Pinapayuhan tayong tumulong sa pagre- recycle ng basura upang
mabawasan ang kalat sa paligid.
LITO : Talagang kailangan na tayong mag-isip ng mga paraan upang
pakinabangan ang ating mga basura.
(Lalapit sa dalawa si Rina, isa ring mag-aaral.)
RINA : Hoy, tapos na ba kayo sa pag-uusap? Halina kayo at mag-uulat pa
tayo tungkol sa pagsulat ng balita at editoryal.
LITO AT NILDA : Nalibang kami sa pagbabahaginan ng mga balita at editoryal.
RINA : Gawin na ninyong halimbawa sa pag-uulat sa klase ang nabasa
ninyong mga balita at editoryal .

Tungkol saan ang usapan ng mga mag-aaral?
Bakit sila nasa aklatan?
Ano ang iuulat nila sa klase?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.