Napulot Ko!
"Kuyal May napulot ako sa daan." Tuwang-tuwa si Luis.
"Anong napulot mo?" tanong ni Jun.
“Nakapulot ako ng pitakang may lamang pera."
"Pera? Magkano ang pera, Luis?” tanong ni Jun.
"Sandaang piso, Kuya. May sandaang piso na ako. Mapalad ako, hindi ba?" tuwang-
tuwang sabi ni Luis.
“Hindi, Luis. Hindi iyo ang perang iyan. Isasauli natin ang pitaka sa may ari,” sabi
naman ni Jun.
“Kuya, napulot ko ito sa daan. Akin na ito, hindi ba?" Nagtataka si Luis.
"Pero kawawa naman ang may-ari ng pitaka. Hala, tingnan mo ang loob ng pitaka.
Baka may pangalan sa loob," utos pa ni Jun.
Tiningnan ng dalawa nang mabuti ang loob ng pitaka. Isang tarheta ang nakita ni
Luis.
"Isabelo Santos. Labing-isa, daang Sta. Elena, Sampalok." Ito ang nabasa ni Jun.
"Kilala ko ang may-ari ng pitaka, Kuya. Nakikita ko siya tuwing umaga. Alam ko rin
ang kanyang bahay. Sige, isauli natin ang pitaka," yaya ni Luis.
Bilang ng mga salita: 156
(Yaman ng Panitik 1, Resuma et al, 1987)
6. Ano ang napulot ni Luis? (Literal)
a. pera
b. piso
c. pitaka
d. tarheta
7. Magkano ang laman ng pitaka? (Literal)
a. piso
b. dalawampiso
c. sampung piso
d. sandaang piso
8. Ano ang nakita nila sa tarheta? (Inferential)
a. pangalan at tirahan ng may-ari
b. listahan ng bibilhin
c. pera ng may ari
d. tatak ng pitaka
9. Ano ang pinakitang ugali ng magkapatid sa katapusan ng kuwento? (Inferential)
a. matapat
b. masakim
c. matalino
d. palakaibigan
10. Bakit kaya sinulat ang kuwentong “Napulot Ko!"? (Critical)
a. Hatid nito ang isang balita.
b. Nais nitong magbigay ng mungkahi.
c. Nais nitong magbigay ng aliw sa mga bata.
d. Gusto nitong magbigay ng mabuting halimbawa​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.