Questions


September 2022 1 1 Report
Ang Simula ng Encantadia
ni Suzette Doctolero
Noong unang panahon, may tatlong bathalang nanirahan sa ating mundo
- Sina Emre, Arde at Ether.
Ngunit nang makita nila ang mga sinaunang tao sa mundo, hindi sila
nasiyahan. Ang nakita nila'y mga mababang uri ng nilalang, mga barbaro na
kailangan pang magtrabaho upang mabuhay, mga nilalang na walang
kapangyarihan
Dahil dito, nilikha ng tatlong bathala ang mga Encantadong Diwata ng
Lireo, ang mga lamang lupang Adamyan, mga manggagamot na Sapiryan, mga
mahiwagang panday na Encantado mula sa Hathoria at isang bagong dimensyon
na tinawag nilang Encantadia.
Di gaya ng mga tao, ang mga Encantadong ito ay may mga kapangyarihang
taglay. Sa tubig, nang manatiling malinis at masagana ang karagatan. Sa hangin,
nang mapangalagaan ang buhay. Lupa, nang manatiling mayaman sa pagkain ang
kalupaan. At apoy, nang mabigyang liwanag ang buong unundo.
Ang mga Encantadong ito ay sumamba kay Emre, kung kaya't lubhang
nagselos sina Ether at Arde. Nagplano silang paslangin si Emre ngunit natuklasan
niya ang balak ng mga ito. Kaya't sinumpa niya si Arde na maging dragon at
ipinadala sa impyernong kung tawagin ay Balaak upang maging tagapagbantay
doon. Samantlang si Ether naman ay ginawa niyang isang ahas upang
habambuhay niyang 'di makalimutan ang kaniyang kataksilan.
May mga Encantado ring pumanig kay Ether, kung kaya sinamba nila ito
at itinatag ang ikalimang kaharian, ang Etheria. Isa sa naga naging reyna nito ay
si Avria. Dahil sa kaniyang kasakiman, sinubukan niyang sakupin ang mga
kahariang Lireo, Sapiro, Hathoria at Adamya. Ngunit dahil sa pagsanib puwersa
ng apat na kaharian, natalo si Avria at nawasak ang Etheria
Magmula noon, tanging ang Lireo, Adamya, Sapiro at Hathoria na lamang
ang natitira sa limang kaharian. Ito ang simula ng Encantadia, isang mundo na
punong-puno ng hiwaga at mahika.
Gawain 2: Sa Iyong Pag-unawa
1. Ano ang mensahe at layunin ng nabasa / napanood mong cartoon?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.