Questions


October 2022 1 4 Report
Napa-flattened na umano ang curve ng coronavirus, ayon sa University of the Philippines (UP) OCTA Research team. Ang dating reproductive number na 1 ay naging 0.877. Nagpapakita umano ng improving ang sitwasyon.

Ang inihayag ng UP ay ikinatuwa ng Department of Health (DOH). Sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, base sa indicators, ang transmission rate, mortality at critical care capacity ay kinakikitaan na ng pagbabago. Nasa tamang direksiyon aniya ang paglaban sa coronavirus.

Pero sinabi ng DOH na hindi pa dapat maging kampante ang lahat sapagkat hindi ibig sabihin na bumaba na ang numero ay tapos na ang health crisis. Hindi pa tapos ang pakikipaglaban at dapat ipagpatuloy ang ipinatutupad na health protocols. Hindi dapat balewalain ang pag-iingat sapagkat na­rito pa ang virus at patuloy pa rin ang transmission.

Nagpahayag din naman ng kasiyahan ang National Task Force Against COVID-19 sa findings ng UP researchers. Ayon kay Task Force head Carlito­ Galvez Jr., nagbubunga na ang mga hakbang na ini­latag laban sa pandemic. Ganunman, nanawagan siya sa mamamayan na ipagpatuloy ang nakasa­nayan nang health standards. Huwag daw itong kali­li­mutan para tuluyang malabanan ang pagkalat ng virus. Hangga’t wala umanong bakuna laban sa sakit, hindi dapat maging kampante at balewalain ang mga ipi­nag-uutos para maiwasan ang panana­lasa ng virus. Pag-iingat pa rin ang nararapat.

Hindi pa natatalo ang kalaban kaya ipagpatuloy ang nakasanayan nang pagsusuot ng face mask, face shields, magkaroon ng agwat sa bawat isa, maghugas lagi ng kamay, magdala lagi ng alcohol o sanitizer. Ugaliin din naman ang tamang pagta­tapon ng used face masks. Ilagay sa selyadong basu­rahan.


Ang pananatili sa bahay ang dapat pa ring pa­iralin. Huwag lumabuy-laboy at lumabas lamang kung talagang kailangang-kailangan gaya kung bibili ng pagkain, gamot at iba pang mahalagang ka­ilangan. Delikado pa rin ang sitwasyon lalo’t nasa clinical trial pa lamang ang bakuna laban sa virus. Sumunod sapagkat para ito sa kaligtasan ng lahat.

Paksa:
Teknik na ginamit sa Pagsisimula:
Mahahalagang paliwanag:
Mga Patunay o Ebidensiya:
Paraan ng paglalagom:

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.