NANINIWALA KA BANG MAY FOREVER?

May forever at maniniwala akong may forever hangga't may nagmamahal at
minamahal. Ang Forever kasi hindi lang naman yan nakatuon sa pag-ibig lang sa
kapareha mo na dapat mo lang paglaanan, bagkus ito ay nakabase sa lawak at
kakayahan mong magmahal sa mga nakapalibot sayo.
Para sa akin maituturing mong forever ang pagmamahal kahit isa ka lang na
nagmamahal, ibig sabihin, mananatiling mahal mo siya kahit walang tugon ng
pagmamahal mula sa iyong sinta. Hangga't may kakayahan kang magmahal ay may
nagmamahal - naniniwala ako at maniniwala pa rin ako sa forever. Sapagkat ang tao'y
nabubuhay sa pagmamahal at pagmamahal lamang. Para sa akin, isang kahibangan ang
pagiging BITTER. Sila kasi yung mga hindi naniniwala sa forever dahil nasaktan sila, pero
ganon naman kapag nagmamahal, masasaktan at masasaktan ka dahil kaakibat nito ang
sakit at kabiguan.
Tandaan Natin:
Ang argumento ay ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang
maging makatwiran ang isang panig. Kinakailangan ang malalim na
pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay ng
mahusay na argumento.

Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang tekstong argumentatibo sa ibaba. Sagutin ang
mga tanong pagkatapos. Gawin ito sa isang buong papel.


"Hindi ka pa kasi siguro nagmahal at nasaktan kaya hindi mo alam ang
pakiramdam ng isang bitter?", alam ko ang pakiramdam na yan dahil lahat naman tayo
nasasaktan kapag nagmamahal, pero hindi un dahilan para itaga sa sarili mo na walang
forever. Huwag mong ikulong ang sarili sa galit at sakit na nararamdaman mo dahil lang
sa nasaktan ka. Huwag mong ituon ang sarili mo o pagmamahal mo sa iisang tao lamang
dahil sa malamang hindi mo mamalayan na mahal ka ng mga taong nakapalibot sayo,
‘yung mga taong hindi mo napapansin, ‘yung mga taong nasa likod mo lang.

Huwag nating ibase ang forever sa litiral na paraan, dahil oo, lahat may
katapusan, lahat ay mamamatay, lahat ng bagay may hangganan. Pero hindi ito ang
basehan na wala talagang forever. Ang pagmamahal natin sa pamilya, sa mga kaibigan,
sa lahat ng taong mahalaga sa atin – ‘di ba forever yun? Hangga't naniniwala ka na may
pagmamahal kang nadadama, may FOREVER maniwala ka.

A. Panuto: Magbigay ng limang (5) argumento na isinaad ng manunulat ng tekstong
‘Naniniwala Ka Bang May Forever?’. Isulat ang mga ito sa isang buong papel.
1. _________________________________________________________
2. _________________________________________________________
3. _________________________________________________________
4. _________________________________________________________
5._________________________________________________________

B. Panuto: Ikaw, naniniwala ka ba sa forever? Magsulat ng tatlo (3) hanggang limang (5)
argumento tungkol sa iyong paniniwala. Isulat ang mga ito sa isang buong papel.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.