Naniniwala ka ba sa kasabihang “ang kalusugan ay ating

kayamanan”? Sa panahon ngayon, naglipana ang mga sakit at

karamdaman. Kinakailangan nating pag-ingatan ang ating mga sariling

kalusugan ngunit paano nga ba natin mapananatiling malusog ang ating pangangatawan sa mga simpleng pamamaraan?

Maraming mga hakbangin ang maaari nating sundin at gawin. Una

rito ang pagkain ng mga masusustansiyang pagkain tulad ng mga gulay at prutas. Ikalawa ang pagtulog sa tamang oras at pag-inom ng maraming tubig. Makatutulong din ang pag-eehersisyo at malalim na pagmumuni-muni para sa ating kalusugang pangkaisipan. Ugaliin din nating maghugas ng kamay at panatilihing malinis ang ating pangangatawan upang makaligtas sa kahit na anomang banta ng sakit. Ilan lamang iyan sa mga pamamaraan upang mapagtibay at mapalakas ang ating mga resistensya. Ang kinakailangan lamang nating gawin ay sundin ito nang may katapatan.

Pangunahing Kaisipan:
Pantulong na Kaisipan:
Pantulong na Kaisipan:
Pantulong na Kaisipan:

Gaano nga ba kahalaga ang edukasyon? Ang edukasyon ang

nagsisilbing daan sa karunungan na ating kinakailangan. Ito ang susi sa

lahat ng mga bagay na nais nating malaman at matutuhan. Ito rin ang

pinakaunang hakbang upang makamit ang ating mga pangarap sa buhay. Isa sa umaakay sa atin upang tayo ay umunlad sa pamumuhay. Ang edukasyon ang nagsisilbing sandata upang labanan ang mga pagsubok na maaaring dumating sa ating buhay. Pakatandaan, ang matibay na

edukasyon ay tanging yaman na hindi mananakaw ng kahit na sino man dito sa mundo.

Pangunahing Kaisipan:
Pantulong na Kaisipan:
Pantulong na Kaisipan:
Pantulong na Kaisipan:

May hihigit pa ba sa pagmamahal ng isang magulang? Ang

pagmamahal ng isang magulang ay walang kapantay at hindi

matutumbasan ng kahit na anong bagay. Ang mga magulang ang

nagbibigay-buhay sa kanilang mga anak. Sila ang mga taong handang

gawin ang lahat para sa magandang kinabukasan ng mga anak. Ang mga magulang ang taong tumutulong sa mga anak sa panahon ng mga pagsubok at pighati. Sila ang nagsisilbing sandalan ng mga ito sa oras ng

kanilang mga kagipitan.
Hinding-hindi matatawaran ang kanilang pag-ibig at pagpapakasakit. Sabi nga nila, “maaaring makalimutan ng anak ang magulang, pero ang magulang ay kailanman, hindi magagawang kalimutan ang anak”.

Pangunahing Kaisipan:
Pantulong na Kaisipan:
Pantulong na Kaisipan:
Pantulong na Kaisipan:

Patulong po pwessss!
No sense=Report


Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.