Questions


October 2022 1 3 Report
Nang Umibig si Juan Tamad Kilalang-kilala si Juan dahil sa kaniyang katamaran. Problema siya ng ina dahil ubod siya ng tamad. Minsan ay pinabili siya ng alimango Sa halip na iuwi ang mga alimango ay inutusan niyang maunang umuwi ang mga ito Ang lahat ng bagay ay iniaasa ni Juan sa ina. Kailan ka pa magbabago? Hindi ka na bata," reklamo ng kaniyang ina Kahit ano ang sabihin ng ina ay balewala sa tamad na binata Hindi rin siya tumutulong sa pagtatrabaho sa bukid. Isang araw ay may dumating na magandang dalaga sa lugar nina Juan. Ludy ang pangalan niya. Taga -Maynila si Ludy Nalaman ni Juan na titira ito sa kapitbahay nila Umibig ang binata sa dalagang-lungsod Kahit na sa lungsod lumaki ay masipag si Ludy. Bago sumikat ang araw ay nakapagwalis na ito ng bakuran ng kaniyang tiya. Napansin ng ina ang kakatwang ikinikilos ni Juan. Alam niya na umiibig ang binata sa magandang dalaga "May gusto ka kay Ludy, ano?" ang sabi ng ina sa anak. "Inay, magugustuhan kaya ako ni Ludy? tanong ni Juan. Kapag nalaman niyang ubod ka ng tamad ay hindi ka niya papansinin. Ayaw ng mga babae sa lalaking tamad." pakli ng ina. Kinabahan si Juan. Hindi pa man siya nakapagsisimulang manligaw kay Ludy ay wala na palang tsansa na maibig siya nito. Gulat na gulat ang ina ni Juan nang magising. Wala kasi sa higaan si Juan Unang pagkakataong nangyari ito Nasa bakuran si Juan Nagsisibak ng panggatong. Ang bakuran ay malinis na mula sa nalaglag na mga dahon mula sa mga puno. Pumunta si Juan sa bukid. Tinulungan niya ang ina sa pag-aani ng tanim na palay. Masigla siya at pumipito pa habang gumagawa Napansin ni Ludy ang kasipagan ni Juan Humanga ito sa binata. "Dati akong tamad pero nagbago ako dahil sa iyo," pagtatapat ni Juan. Natuwa ang ina ni Juan Alam niyang tuluy-tuloy na ang pagbabago ng binata. Iyon ang malaking nagawa ng pag-ibig sa kaniyang anak. Halaw mula sa The Best Bedtime Stories na muling isinalaysay ni Aina Enrique




Gawain 2. Sagutin ang sumunod na tanong at isulat sa sagutang papel. 1. Tungkol saan ang kuwento? A. Tungkol sa pag-usbong ng pag-ibig ni Juan kay Ludy B. Tungkol sa pagmamahal ng ina kay Juan 2. Bakit kilalang-kilala si Juan? A. Dahil siya ay napakatamad. B. Dahil siya ay asipag na masipag 3. Paano nabago ang ugali ni Juan? A. Napagalitan at napilit siy ang nanay niya. B. Napaibig siya kay Ludy.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.