Questions


September 2022 2 2 Report
Mahal kong Anak,
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan, kapag dala ng
kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan,
huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda; naaawa ako sa
sarili ko sa tuwing sinisigawan mo ako. Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko
maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihang bingi. Pakiulit na
lang ang sasabihin mo o pakisulat na lang.
Pagpasensyahan mo na rin ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag
mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag
nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa?
Pinagtitiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pasensiya ka na anak, matanda na talaga ako. Kapag mahina na ang tuhod ko,
pagtiyagaan mo sana ako at tulungang tumayo, katulad ng pag-alalay ko sa iyo noong
nag-aaral ka pa lamang lumakad. Pagpasensyahan mo sana ako kung ako ay nagiging
makulit, paulit-ulit at parang sirang plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo
sana akong pagtawanan o pagsawaang pakinggan. Natatandaan mo ba anak noong bata
ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yong sasabihin, maghapon kang
mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan
mo.
Pagpasensiyahan mo sana kung madalas ako’y masungit, dala na marahil ng
katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako. Kapag may konti kang panahon
magkuwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nagiisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo, na
sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka. Kahit alam kong hindi ka interesado sa
mga kuwento ko. Natatandaan mo anak noong bata ka pa. Pinagtiyagaan kong
pakinggan ang pautal-utal mong kuwento tungkol sa iyong teddy bear. At kapag dumating
ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana
akong pagsasawaang alagaan.
Pagpasensiyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan.
Pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga sandaling ito ng aking buhay. Tutal hindi
na naman ako magtatagal. Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan
mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
Anak, huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na Lumikha, ibubulong ko
sa Kaniya na pagpalain ka sana … dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina …
Maraming salamat sa iyo, Anak.

Nagmamahal,

Nanay at Tatay




Mga Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga sinabi ng tatay/nanay sa sulat?
2. Ano-ano ang kanilang hiling?
3. Bakit kaya iyon ang kanilang nagiging hiling para sa anak?
4. Ang kanilang hiling ba ay katulad din kaya ng hiling ng iyong mga magulang?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
5. Ikaw ba ay katulad din ng anak na inilalarawan sa sulat? Ipaliwanag

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.