“Namamasyal pa sa Luneta, nang walang pera...”isang linya ito ng awiting sumasalamin sa simpleng libangan ng mga kabataang Pilipino noon. Subalit hindi maitatanggi na sa pagdami ng malls sa lungsod, unti-unti na ring nagbabago ang uri ng pamumuhay ng kabataang Pilipino. Binura na ng panahon ang kanilang simpleng interes na mamasyal sa mga liwasang-bayan o tabing-ilog. Napalitan ito ng kanilang pagkahikayat at na magpunta sa mall. Katulad din ng iba pang kabataan, dito na sila namamasyal, naglalaro, kumakain ng kung ano-ano, at nabibighani sa mga samu't saring paninda na makikita sa mga naglalakihang estanteng salamin. Nang lumaon ang mga mall ay hindi na lamang nagsisilbing isang pasyalan, kung hindi naging bahagi na rin ito ng sistema ng modernong kabataang Pilipino.
Sino ang kinakausap ng may-akda?
Answers & Comments
Answer:
ang mga nag babasa
Explanation:
nais nya I paalam sa mga nag babasa na nag bago na ang mga libangan ng mga kabataan nais nito I paalam satin na nalilimutan na natin ang ganda ng ating kalikasan