"Naku, hindi mo ako pwedeng kainin, dahil inutusan ako ng hari na magbantay sa kanyang
tambol,” ang katwiran ni Pilandok, sabay turo sa malaking bahay ng bubuyog na nakasiwang sa
sanga ng puno.
"Iyan ba ang tambol ng hari? Gusto ko hatawin
ang
tambol
ng hari," giit nito.
“Naku, walang sinuman ang maaring humataw rito."
“Hindi naman malalaman ng hari," ang patuloy na pagpupumilit ni Tigre,
"O sige, ngunit hayaan mo muna akong makalayo upang hindi ako masisi," depensa ni
Pilandok. Tumakbo papalayo si Pilandok. Agad-agad, nakakuha ng isang putol ng sanga ng puno
si Tigre at hinataw ang bahay ng bubuyog.
“Zzzzzzzz” naglabasan ang napakaraming bubuyog at agad pinutakte ng kagat si Tigre.
Nagtatakbo ito patungo ng sapa at doon nagtampisaw upang hind na mahabol pa ng mga
bubuyog. Nang maabutan si Pilandok ay galit na galit itong sinigawan, "akala mo yata makakawala
ka! Naloko mo akong minsan, naloko mo ako muli, pero hindi mo na ako maloloko sa ikatlong
pagkakataon,
“Wala ka ng ligtas, gutom na gutom na ako, ikaw ang aking pananghalian" giit nito.
Maagap na nag-isip si Pilandok, kailangan niyang mailigtas ang sarili. Pagkaraa'y "hindi mo ako
maaring kainin mahal kong Tige, napag-utusan ako ng hari na bantayan ko ang kanyang sinturon."
Sabay turo sa ahas na nakapulupot sa sanga ng puno.
“Gusto kong isuot ang sinturon ng hari," giit ng tigre. Itinuro nito ang ahas na nakapulupot
sa sanga ng puno. “Naku, walang dapat na magsuot nito,” mahigpit na tanggi ni Pilandok.
"Sandaling-sandali lamang naman, wala namang makakaalam," pagpupumilit na naman ni
Tigre
"O sige, pero hayaan mo muna akong makalayo sa iyo para di ako masisi," ang sabi ni
Pilandok.
"Biruin mo ang sinturon ng hari, maisusuot ko," ang tila di-makapaniwalang sambit ng
tusong si Tigre. Dinampot niya ang ahas na tulog at ipinulupot sa kanyang bewang. Habang
ipinupulupot sa bewang ay lalo itong kumakapit, mahigpit, pahigpit nang pahigpit hindi na
makahulagpos pa ang tusong si Tigre.
"Pilandok, tulungan mo ako!" sigaw nito. Hindi na siya narinig ni Pilandok. Malayo na ito
at pasipol-sipol pa habang kumakandirit sa himig ng kanyang awitin:

Ito na po oh​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.