Questions


February 2023 0 1 Report
Nakipagpaligsahan rin ang England sa pamamagitan ng Italyanong marinero na si John Cabot at tinalo ang mga Espanyol armada noong 1588 at ibinuhos ng England ang kanyang atensiyon sa kalakalan. Naitatag ng England ang East India Company, ang sentro ng kalakalan sa India na siyang ginamit ng pangkat ng mangangalakal na Ingles na hindi naman nagustuhan ng Portugal. Ang British East India Company ay nakakuha na ng concession (pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo) sa Madras mula sa rajah ng Chandragiri. Noong 1668 pinaupahan na ni Haring Charles ang pulo ng Bombay. Sa taong 1690 sa delta ng Ganges nakakuha ng kapirasong lupain ang mga Ingles sa pagpayag ni Emperador Aurangzeb ang lider ng Imperyong Mogul. Dito naitatag ang lungsod ng Calcutta. Madaling nasakop ang India dahil watak- watak ang mga estado nito at mahina ang liderato ng Imperyong Mogul na siyang naghahari sa India. Noong una, pangkabuhayan ang dahilan ng England sa pagpunta sa India. Nang makita ang malaking pakinabang sa likas na yaman nito tuluyang sinakop ang India ng England. Ihanda ang inyong sagot sa mga katanungan para sa pagbabahagi mamaya. Maari ninyong isulat sa papel ang inyong sagot.
A. Ibigay ang mahahalagang pangyayari sa pagtungo ng England sa Asya.

B. Ano ang motibo o dahilan ng England sa pagtungo sa Asya?​

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.