Nakakita ka na ba ng walis tingting? Kapag nag iisa lamang ang tingting, marupok ito at madaling maputol. Subalit kapag pinagsama sama ang mga tingting, nagiging matibay ito at nagagamit ito ng maayos. Ang mga miyembro ng pamilya ay parang tingting mas matibay kapag magkakasama. Kapag nagkakaisa at nagtutulungan ang buong pamilya, nagtatagumpay sila sa mga problemang kanilang hinaharap. Halaw sa Alab Filipino 5, p. 90 Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin at unawain ang mga talata. Sagutin ang mga tanong sa bawat talata. Isulat ang iyong sagot sa ivong sagutang papel. 1. Ano ang paksa ng nabasang talata? 2. Saan maihahambing ang miyembro ng pamilya? Bakit? 3. Ano ang kailangan upang magtagumpay ang isang pamilya?
Answers & Comments
Answer:
1.Pamilya
2.Walis Tingting
3.Katulad ng walis Tingting kailangan magkaisa, magsama sama ang isang Pamilya upang maging matagumpay sa bawat problema at suliranin na kanilang kinakaharap.
Explanation:
hope it Helps. SHALOM