naisip mo ba ang personal na misyon sa buong buhay sa gawain ito sa guhit kamay sa simbolo na sumasalamin sa personal mong misyon sa buhay ng malayang pumili ng mga materyales na gagamitin upang makabuo ng isang malikhain at may apat na simbolo ng iyong misyon sa buhay pagkatapos mong iguhit ang napiling simbolo sa loob ng kahon ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili
Answers & Comments
Answer:
Huwag kang makialam! Hindi mo pa ‘yan dapat pinakikialaman, bata ka pa! Naalala
mo pa ba ang mga linyang ito mula sa mga magulang mo noon? May mga bagay sa iyong
paligid noon na hindi mo maaaring pakialaman dahil bata ka pa; pero lumilipas ang panahon
at nagbabago ang maraming bagay. Darating talaga ang pagkakataong mas mahalaga para
sa isang kabataang katulad mo ang makialam.
Napapansin mo ba ang sarili mo sa kasalukuyan? Marami ka na bang napapansing
mga pagbabago? Nag-iiba na ba ang mga reaksyon mo sa mga nangyayari sa iyong paligid
tulad ng mga balita at mga isyung nangingibabaw sa media? Kung OO ang sagot mo sa
mga tanong na ito, ibig sabihin ay lumalabas na sa iyong sarili ang iyong pagtingin, mayroon
ka ng pakialam sa iyong lipunan. Nakikilala mo na hindi ka lamang nabubuhay para sa iyong
sarili at para sa iyong pamilya, na mayroong mas malawak na mundong iyong
kinabibilangan at ikaw ay isang mahalagang bahagi nito. Kung HINDI naman ang iyong
sagot, huwag kang mag-alala at darating din ang pagkakataong mababago ang iyong
pananaw sa buhay. Maaaring naghihintay lamang ito ng tamang pagkakataon. Maaaring
makatulong nang malaki sa iyo ang mga aralin sa baitang na ito.
Sa dalawang taon mo ng pag-aaral ng Edukasyon sa Pagpapakatao, nagkaroon ka
ng pagkakataong masuri ang iyong pananagutan sa sarili at sa iyong kapwa. Ngayong taon
naman ay mamumulat ang iyong mga mata sa lipunang iyong ginagalawan. Napag-aralan
mo sa asignaturang Araling Panlipunan ang maraming bagay tungkol sa lipunan, ang
kahulugan nito, layunin at marami pang iba. Sa pagkakataong ito’y mauunawaan mo ang
pagkakaiba at pagkakaugnay nito sa mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa baitang
na it