Explanang mga kaugaliang Pilipino ay, sa pangkalahatan, nakatuon sa pananatili ng maayos na pakikipagkapwa, na may hangaring maging kasali ng isang grupo. Ang dalawang konseptong lumilitaw sa ugaling ito ay ang hiya at amor propio. Pagsang-ayon, pagtanggap, at pagsasapi sa isang grupo ay pinag-aalala nang husto ng mga Pilipino. Malaking impluwensiya ang iniisip, sinasabi, at ginagawa ng kanilang kapwa sa ugali ng isang Pilipino.
Ayon kay Leonardo Mercado, isang antropologo, ang pagtignin sa mundo ng mga Pilipino ay hindi maihihiwalay sa dalawang bahagi, o non-dualistic. Batay sa kanyang lingguwistikang pagsusuri ng mga Pilipinong sailta at termino katulad ng "loob", nahinuha niya na ninanais ang mga Pilipino ng pagkakaisa, hindi lang sa kapwa, kundi sa kalikasan at relihiyon, habang nananatiling hindi hiwalay sa iba.
Nahinuha rin ni Florentino Timbreza, isang pilosopong kultural, sa kanyang aklat na pinamagatang Pilosopiyang Pilipino (1982), na ang mga kaugaliang Filipino ay nakabatay sa kabuluhan ng mundo sa tao. Idinidikta ng mga karanasan ng buhay ang pilosopiya ng Pilipino, at naaapektuhan rin ito ng mga ibang bagay, katulad ng salawikain, mga kasabihan, mga kwento at iba pa.
Mga modelo ng kaugaliang Pilipino
Tinukoy ni F. Landa Jocano and dalawang modelo ng sistema ng kaugaliang Pilipino. Ang una ay ang dayuhang modelo, at ang pangalawa ang katutubong o tradisyunal na modelo. Sinsasabing legal at pormal ang banyagang modelo. Sinasabi namang tradisyunal at di-pormal ang katutubong modelo, pero malalim ang ugat nito sa kamalayan ng mga Pilipino. Ayon kay Virgelio G. Enriquez, mas angkop na pag-aralin ang mga Pilipino gamit ang pananaw ng Pilipino upang maunawaan ito nang lubos, kaya mas-mainam gamitin ang katutubong modelo sa pagsusuri ng kaugaliang Pilipino.
Namana ang banyagang modelo sa mga kanluraning kultura, lalo na ang mga mga Kastila at mga Amerikano. Isang halimbawa ng dayuhang o banyagang impluwensiya ay ang burukrasya sa pamahalaan ng Pilipinas.
Mga elemento at binubuo ng mga kaugaliang Pilipino
Batay sa mga pananaliksik, pag-aaral, pagsisiyasat, opniyon, anekdota, at iba pang literaturang gawa ng mga eksperto, na nakaugnay sa mga panlipunan o pangunahing kaugalian, kasama na rin ang pagkatao, identidad, at katangian ng mga Pilipino, natagpuan na ang mga Kaugaliang Pilipino ay may likas na elemento. Kabilang dito ang positibong pagtingin na hinaharap, negatibong pagtingin sa kasalukuyang pangyayari, pagmamalasakit sa ibang tao, kabaitan, magiliw na pagtanggap sa mga bisita, pagpapahalaga ng relihiyon, respeto sa sarili at kapwa, respeto sa mga kababaihan, takot sa Diyos, matining kaayawan sa pandaraya at pagnanakaw.
Makikita na ang hiya, pakikisama, at utang loob, mga kaugaliang makikita sa karamihan ng mga Pilipino, ay mga paimbabaw na kaugalian lamang, na nakaugnay sa isang sentrong kaugalian -- kapwa. Ang kapwa ay ang pagkakaisa ng sarili at ng iba, at mayroon itong dalawang kategorya: ibang tao, at hindi ibang tao. Ang mga paimbabaw na kaugalian na ito ay nauugnay sa sentral na kaugaliang Kapwa sa pamamagitan ng pakikiramdam.tion:
Answers & Comments
Answer: