nahabag sa mukha niyang madusing.
Napukaw aking pansin sa kaniyang tinig at daing,
Mabilis ko siyang tinulungan at binigyan ng pagkain.
Nang siya'y nabuntis at nagsilang ng apat
Masinop na inayos kanilang munting tahanan
Maingat na inalagaan at binantayan
Ngayo'y higit na maliksing kumilos kaysa noong nakaraang buwan.
Lubos na pag-aaruga at pagmamahal,
Taos-pusong ibinibigay sa aming mga alagang mahal,
Pangakong tutuparin ko habang ako'y nabubuhay
Pagkat sila'y biyaya rin ng ating Poong Maykapal.
Tukuyin kung ang pang-abay na pamaraang ginamit sa tula ay
asa antas na lantay, pahambing o pasukdol.
1. Labis akong nahabag
2. Mabilis kong tinulungan
3. Masinop kong inayos
4. Higit na malusog kaysa noon
5. Lubos na pag-aaruga
Answers & Comments
1. LANTAY
2. LANTAY
3. LANTAY
4. PAHAMBING
5. LANTAY