Nagsisimula ang epikong-bayang ito sa pagsusugo sa Dalaga ng Bundok Misimalun upang magtanim ng palay. Dala ng hangin, agad na dumating ang bayaning si Ulod upang tumulong sa pagtatanim. Pag-uwi, natuklasan ni Ulod na ang kapatid niyang babae’y tinangay ng binata mula sa Buttalakkan. Agad sumugod si Ulod at hinamon ang binata. Napatay ang binata at natagpuan ni Ulod ang kapatid na sira ang damit. Ginawa niyang suklay ang kapatid at inilagay sa kaniyang buhok. Nakita ni Ulod ang kapatid na babae ng binata at inilagay niya ito sa palawit ng kuwintas niya bago siya umuwi. Pagkalipas ng ilang araw, dinalaw niya ang dalaga ng Bundok Misimalun na nagtanong sa kaniya kung bakit siya napadalaw. Naglakbay si Ulod nang gabing iyon at napaisip naman ang dalaga na kailangan na niyang ibigay ang sarili sa bayani. Iniuwi siya ni Ulod, at tinipon ng bayani ang kaniyang sakop upang tanungin kung sasamahan siya ng mga ito sa langit. Namahagi ng nganga ang dalaga at nagpatugtog ng gitarang kawayan. Hindi nagtagal, may pumanaog na sasakyang panghimpapawid at sinabi ni Ulod sa kaniyang mga kamag-anak na sumakay rito sapagkat magtatatag siyá ng limang nasasakupan sa lupain ng Katulussan.

Mga Tanong:

1. Tungkol saan ang binasang akda?

2. Sa kasalukuyang panahon, kanino maihahambing ang katangiang ipinamalas ng pangunahing tauhan. Pangatwiranan ang sagot.

3. Papaano magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ang ginintuang kaisipan na nangibabaw sa binasang akda? Magbigay ng halimbawa

KAHIT NUMBER 1 LANG SAGUTIN OKS NA SAKEN

(Tamad ako magbasa)
nonsense answer- reported
brainliest kung sino nakasagot ng matino:>​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.