Questions


September 2022 1 2 Report
14) May walong tungkulin bilang nagdadalaga o nagbibinata, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tungkulin
bilang mag-aaral?
A. Palaging nagsisimba tuwing Linggo ang pamilya Gomez.
B. Sinisiguro ni Perla na totoong balita ang binabasa at hindi kasinungalingan o "fake news".
C. Tinutulungan ni Selya ang kanyang nakababatang kapatid sa pagsagot ng kanyang modyul.
D. Sina Betina at Pedro ay matalik na magkaibigan. Laging ginagawa ni Betina ang kanyang takdang-aralin,
samantalang si Pedro ay lagi na lang naglalaro sa kanyang selpon.
15) Ang mga sumusunod ay palatandaan ng pag-unlad sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata sa aspetong pandamdamin ng
tao MALIBAN sa isa.
A. Madalas na mainitin ang ulo
B. Nagiging mapag-isa sa tahanan
C. Dumadalang ang pangangailangang makasama ang pamilya
D. Kadalasang sa mga nakatatanda o may awtoridad ipinatutungkol ang mga ikinagagalit
16) Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang magiging kahihinatnan ng pagiging matapat sa pagtupad sa tungkulin bilang
nagdadalaga/nagbibinata.
A. Makakamit ang mga pangarap sa buhay.
B. Matitiyak ang pagkakaroon ng magandang buhay.
C. Tataglayin ang kakayahan na harapin ang susunod na yugto ng buhay.
D. Magkakaroon ng mga kakayahang kailangan upang makamit ang mga pangarap.
17) Ang mga mga sumusunod ay tumatalakay sa apat na aspeto ng tao. Alin ang nakapagpapapaliwanag ng
aspetong panlipunan?
A. Ito ay ang kilos ng tao na gumawa ng mabuti o ng masama sa kapwa.
B. May kaugnayan kung paano mag-isip, makatanda, o makapagplano sa buhay.
C. Tumatalakay sa kung ano ang nararamdaman ng tao maging mabuti man ito o hindi.
D. Binibigyang-pansin nito kung paano makisalamuha o makitungo ang isang tao sa mga kasama sa bahay hanggang sa
mga kaibigan sa labas o sa mga taong nakakasasalubong araw-araw.
18) Si Juana ay madalas na nakikipagtalo sa kanyang kapatid. Para silang aso't pusa sa dalas ng kanilang pag-aaway.
Madalas na sumasama ang loob ng kanilang ina dahil sa kanilang hindi magandang pagpapalitan ng mga salita. Ano ang
makatwiran at magandang gawin ni Juana?
A. Iwasan ang kaniyang kapatid.
B. Huwag pansinin ang kapatid para hindi na magkaroon ng pagtatalo
C. Pakitunguhan nang maayos ang kapatid kapag kaharap ang mga magulang.
D. Hanapin ang dahilan ng kanilang hindi pagkakasundo at kausapin ang kapatid upang maiwasan na itong gawin.
19) Alin sa mga sumusunod na mga palatandaan ng pag-unlad sa panahon ng pagdadalaga pagbibinata ang sa tingin mo ay
pwede mong maipagkasamang tumatalakay sa isang aspeto?
A. Hindi magsisinungaling. Nagiging rebelde.
B. Mas nakapagmememorya. Nahihilig sa pagbabasa.
C. Nagiging mapag-isa sa tahanan.* Alam kung ano ang tama at mali.
D. Dumadalang ang pangangailangang makasama ang pamilya. "Nakapag-iisip ng lohikal tungkol sa mga
konsepto
20) Laging binibilhan si Amara ng kaniyang mga magulang ng mga bagong teknolohiya para lagi siyang nakasunod sa uso.
Paano maipapakita ni Amara ang tungkulin niya bilang konsyumer ng media?
A. Siguraduhing nagagamit ang mga ito araw-araw.
B. Ibahagi sa kaniyang kamag-aral ang mga bagong kagamitan.
C. Gamitin ang mga bagong kagamitan nang may displina sa sarili.
D. Paghahayag ng mga saloobin gamit ang mga bagong teknolohiya.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.